Tumaas na sa 247 ang mga nasawi. Patuloy ang mga aftershock: umabot na sa 470. Wala pa ring kasigiraduhan sa bilang ng mga nawawala.
Roma, Agosto 25, 2016 – Patuloy ang pagdami ng mga biktima sa magnitude 6 na lindol na tumama sa Central Italy Miyerkules ng madalang araw. Umabot na sa 247 ang mga nasawi, ayon sa ulat ng Ansa.
Samantala, wala namang hinto sa paghahanap sa mga posibleng buhay pang biktima na nadaganan ng mga gumuhong bahay at gusali.
“Wala tiyak na bilang ng mga nawawala dahil walang listahan sa simula pa lamang dahil na rin sa dami ng mga dayuhan at turistang nagbabakasyon sa mga affected areas”, ayon kay Fabrizio Curcio, ang head ng Department of Civil Protection. “Ang kawalan ng listahang ito ay nagpapahirap na maitalaga ang bilang ng mga nawawala. Gayunpaman, kami ay magpapatuloy sa paghahanap haggang sa makita ang pinakahuling nawawala”.
Tulad ng nabanggit, 247 na ang mga biktima at sa kasamaang palad ay maraming mga bata sa bilang na ito. Sa Reati, sa Amatrice at Accumoli, ay 190 ang mga nasawi, sa probinsya ng Ascoli Piceno naman ay 57. Ayon sa mga report, ay mayroong ilang turistang naka-bakasyon sa mga nasawi: 1 Spanish at 2 Romanians. Ito ay kinumpirma ng mga Ministries of Foreign Affairs ng Madrid at Bucarest.
Gayunpaman, ang mga bilang ay nananatiling pansamantala pa rin. Tinatayang 400 ang mga sugatan at 264 ng mga ito ay nasa ospital. Marami ang mga nawalan ng tahanan, tinatayang aabot sa 2,500 kung saan 1,500 ang sa Marche kabilang ang Arquata at Pescara del Tronto. Patuloy ang paghahanap sa mga gumuhong bahay at gusali ng 880 mga bumbero, 250 sasakyan at 43 mga aso.
Higit sa 5 libo ang mga tauhan ng civil protection. Ang mga tumutulong at boluntaryo ay patuloy ang paghahanap at paghuhukay sa mga natabunan sa hotel Roma sa Amatrice. Mayroong 32 katao ang anaka check in sa nabanggit na hotel at hindi 80 tulad ng unang ibinalita.
Samantala, idineklara ng alkalde ng Amatrice Sergio Pirozzi na halos kalahati ng mga guest ng hotel Roma ay nakaligtas sa gumuhong hotel at inaasahang mas mababa ang bilang na maaaring umabot sa 15 hanggang 20 lamang.
ni: PGA
source: ANSA
larawan ni: Roderick Mabiling
Basahin rin:
14 hanggang 15 pamilyang Pinoy, apektado ng lindol sa Norcia, Italy