May nakilala akong isang dayuhan at nais ko syang kunin bilang trabahador sa aking negosyo, ngunit siya ay walang regular na permit to stay. Anu-ano ang mga panganib kung sya ay aking kukuning mag-trabaho para sa akin?
Hindi maaaring i-empleyo ang isang dayuhan na walang balidong permit to stay o ang sinumang hindi nag-aplay ng renewal sa itinakdang panahon ng batas. Ang employer ay maaaring harapin ang kaukulang parusa.
Ayon sa art. 22 ng D. Lds. 286/98, ang employer na mayroong manggagawa na walang permit to stay o expired ang permit to stay o hindi ito na-renew sa itinakdang panahon ng batas, o binawi o pinawalang-bisa ito, ay maaaring parusahan ng pagkakakulong mula 6 na buwan hanggang 3 taon at may kaukulang multa na 5,000 euros para sa bawat mangagagwang hindi regular.
Ang mga nabanggit na parusa sa itaas ay nadadagdagan ng mula ikatlong bahagi hanggang sa kalahati kung mapapatunayan ang isa sa mga sumusunod na kundisyon:
• ang mga manggagawa ay higit sa tatlo;
• ang manggagawa ay mas bata ang edad sa itinakdang working age;
• ang mga manggagawa na nagtatrabaho ay naaabuso tulad ng nababanggit sa artikulo 603-bis, talata 3 ng penal code.
Bukod sa mga nabanggit, sa employer ay maaaring ipataw ang administrative sanctions ng pagbabayad ng average amount ng repatriation ng undocumented foreign worker na in-empleyo.
Ang employer ay obligadong bayaran ang sahod at ang kontribusyon para sa social security sa panahong nag-trabaho ng hindi regular (o nero) ang dayuhan. Para matukoy ang halagang dapat bayaran ng employer sa sahod, kontribusyon at buwis, bukod pa sa ibang bayarin ay itinalaga ng batas na ang undocumented na dayuhan ay nakapag-trabaho ng hindi bababa sa tatlong buwan, maliban na lamang kung taliwas ito sa sinabi ng employer o ng worker mismo.
Dapat ding ikunsidera ang lahat ng sanctions mula sa Inps para sa lavoro nero. Itinalaga ng batas na ang employer ay may obligasyong ipaalam ang employment, anumang pagbabago sa employment at pagtatapos ng employment sa Inps. Dahil dito, ang kawalan ng nabanggit na obligatory communication mula sa employer, maliban sa domestic job, ay pinaparusahan ng:
• Hanggang 30 araw ng trabaho mula 1,500 hanggang 9,000 euros;
• mula 31 hanggang 60 araw ng trabaho mula 3,000 hanggang 18,000 euros;
• Higit sa 60 araw ng trabaho mula 6,000 hanggang 36,000 euros.
Ang mga nabanggit na halaga ay nadadagdagan ng 20% sa kasong ang manggagawa ay isang dayuhan na walang permit to stay o mas bata sa itinalagang working age. At samakatwid, ang pinakamataas na multa sa sinumang kukuha ng dayuhang walang permit to stay, batay sa haba ng ipinagtrabaho nito, ay maaaring mula 10.800 hanggang 21.600 o hanggang 43.200 euros.