in

Family reunification para din sa civil union couples

Kinikilala na ng batas ng Italya ang pagsasamang legal ng parehong kasarian o same-sex. Updated na ang forms online at balido na rin ito para sa family reunification tulad ng mag-asawa. Narito ang Circular ng Ministry of Interior.  

 

May bagong entry na matatagpuan sa application form ng family reunification o ricongiungimenti familiari: “unito civilmente o civil unions”. Ang mga imigrante sa ngayon, bukod sa asawa, anak o magulang, ay maaari ng papuntahin sa Italya ang partner ng mga civil union couples, na naganap dito sa Italya o sa ibang bansa. 

Ito ay isa sa maraming aplikasyon na nasasaad sa batas ng unione civile (art. 1, talata c. 20 L. 76/2016), kung saan nasasad na “ang probisyon na may kaugnay sa kasal at nagtataglay ng mga salitang ‘asawa’ o katumbas na salita, kung saan kinakailangan ang batas, o dokumento na nagpapatibay sa batas, sa mga regulasyon maging sa mga administrative documents at collective contract, ay ilalagay din sa bawat bahagi nito ang salitang same-sex civil union”.  

Ang Batas sa Imigrasyon sa katunayan ay nagsasabing “ang dayuhan ay maaaring hilingin ang family reunification para sa ‘asawa’ na hindi legally separated at may edad na hindi bababa sa 18 anyos”. Sa pagpapatupad ng bagong batas, ay kinukumpirma samakatwid, mula nitong Agosto, sa pamamagitan ng isang Circular mula sa Ministry of Interior, na maaaring mag-apaly ng nulla osta o pahintulot para sa family reunification ang mga civilly united kung may sapat na gulang at hindi legally separated.”

Ang aplikasyon, tulad ng ibang family reunification applications, ay gagawin online sa pamamagitan ng website ng Ministry na updated na at nagtataglay ng mga pangunahing pagbabagong nabanggit. Bukod sa legal na aspeto ng pagsasama ay kailangan ding patunayan ang pagkakaroon ng sapat na sahod (8737.36 euros o ang halaga at karagdagang kahati  ng assegno sociale) at ang pagkakaroon ng angkop na tahanan maliban ang mga mayroong international protection status. 

Sa pag-aaplay online ay gagawin ang self-certification ng civil union, ngunit ang orihinal na dokumento na nagpapatunay ng civil union ay ipri-prisinta sa embahada ng Italya sa sariling bansa kung saan manggaling ang partner. Matapos ang ok ng tanggapang huling nabanggit ay bibigyan ng enrty visa ang pini-petisyon at sa sandaling nasa Italya na ay mag-aaplay ng permesso di soggiorno per motivi familiari. 

Circular ng Ministry of Interior  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Orto ni Nanding

Remittance mula Lombardy region, tumaas ng 1.2 billion sa isang taon