Tumaas ang remittance na ipinapadala ng mga imigrante mula sa Milan, partikular sa Pilipinas, Perù at Equador.
Milan, Setyembre 12, 2016 – Muling tumaas ang halaga ng remittance o ipinapadalang pera ng mga imigrante na naninirahan at nagta-trabaho sa Lombardy. Noong 2015, ang perang ipinadala sa sariling bansa ng mga imigrante ay tumaas ng 3,3% o 1,2 billion, kumpara sa pagbaba nito sa national level ng 1,5%. Ang average ay tinatayang 1000 euros ang ipinapadala ng bawat imigrante.
Ang remittances mula sa Lombardy region ay umaabot sa 22% ng kabuuang halaga ng remittances at ang Milano (11,5% ng kabuuan na may 605 million euros) ay ang pumapangalawa sa Roma (15,6%). Kabilang sa unang sampung probinsya ng Italya ay ang Brescia (ika-anim na mayroong 145 million euros, +4,4% sa isang tain) at Bergamo (ika-sampu na mayroong 104 million euros, +6%). Ang mga probinsya na malaki ang itinaas ng remittance ay ang Monza e Brianza (+19,4%) at Lecco (+11,6%) at nagtala ito ng +10% sa Varese at Lodi. Milano ang tanging lugar na stable ito sa -0,3%.
Ilan lamang ito sa mga datos mula sa pagsusuring ginawa ng Milan Chamber of Commerce ukol sa remittance 2016 at 2015 at datos ng Istat, Banca d’Italia, World Bank 2016,2015,2014,2013,2012,2011.
Remittance sa Milan. Humigit-kumulang ay € 605 million euros ang remittances ng mga imigrante sa Milan nitong 2015, maituturing na stable dahil noong 2014 ay halos 607 million euros, bumama ng -0,3%.
Ang Pilipinas ay nakakatanggap ng 102 million euros (17% ng kabuuang). Ito ay ang unang country of destination nito at tumaas ng 7,3%. Pumapangalawa ang Perù na tumatanggap ng halos 80 million euros, +9,1% at sinundan ng Ecuador, na tumatanggap ng 43 million euros, +9,1%. Nagpapatuloy naman ang krisis sa pagtanggap ng remittance sa China na simula 2013 hanggang 2015 na mula sa unang country of destination na mayroong 220 million euros ay bumama sa ika-apat na mayroong 42 million euros (-47,4% sa isang taon, o mas mababa ng 38 million euros)
Samantala, ang bansa naman kung saan ang remittances ay higit na tumaas ay ang Bangladesh (+8,7 million euros sa isang taon, +28,7%) at kasama ang Pakistan (+44%), Bolivia (+26,5%) at Georgia (+25,8%). Mahalagang ang mga developing countries na may mababa hanggang average income, s apagitan ng 2014 at 2015 ay tumaas ng 10,6% o ang 314 million remittance nitong 2015. Sa average, ang mga imigrante sa Milan ay nagpapadala sa kanilang pamilya sa sariling bansa ng halos 1.400 euros bawat imigrante kumpara sa 1,000 euros ng Lombardy at ng Italya.
Destinasyon ng remittance ng Lumbardy region. Nangunguna ang Senegal mula sa Lecco (22,3%) at Bergamo (18,9% ng kabuuang remittance ng probinsya), India mula sa Cremona (29,2%), Mantova (22,5%) at Brescia (13%), sa Romania mula sa Lodi (24,3%), Pavia (20%), Varese (9,8%) at Como (9,3%), sa Pakistan mula Monza e Brianza (12,9%), sa Marocco mula sa Sondrio (13,3%) at sa Pilipinas mula sa Milan (16.9%).
Isang kabuuang pagtaas ng remittances sa Pakistan, ng higit sa 15 million euros sa isang taon, ang Pilipinas at Bangladesh, higit ng 11 million euros, Peru hggit sa 8 million euros at Ecuador higit sa 6,3 million. Habang patuloy naman ang pagbaba ng remittance mula sa mga Chinese, mula sa 98 million sa 59 millio, -39,8% (o ang – 47% sa nakaraang taon).