Hiniling sa Council of State na pawalang bisa ang desisyon ng Tar at pansamantalang suspindihin ang pagpapatupad nito. “Napakalaki ng epekto nito sa public finance”.
Roma, Setyembre 13, 2016 – Hindi nawawalan ng pag-asa ang gobyerno. Bukod sa nais muling hingin ang malaking halaga mula sa mga migrante ay nais ring hindi na ibalik sa mga imigrante ang mga ibinayad nito.
Ang State Legal Advisory o Avvocatura di Stato, bilang kinatawan ng Office of the President of Council at Ministries of Interior at Economy, ay naghain ng apela kamakailan sa Council of State laban sa naging desisyon ng Tar noong nakaraang Mayo na nagpapawalang-bisa sa kontribusyon (tinatawag ring buwis) ng permit to stay na nagkakahalaga ng 80, 100 at 200 euros. Sa nabanggit na apela ay lakip rin ang request na pansamantalang suspendihin ang epekto nito, habang hinihintay ang pinal na sentensya, at samakatwid ang pilitin ang mga imigrante na muling magbayad ng karagdagang halaga para sa releasing at renewal ng mga permit to stay.
Una lahat, ayon sa gobyerno, ang Cgil at Inca (na naipanalao ang kaso sa unang hakbang) ay walang karapatang lumapit sa Tar upang pawalang-bisa ang kontribusyon, maaari lamang itong hilingin para sa mga indibidwal na dayuhan. Bukod dito, ang Tar ay nagkamali umano sa pagtatanggal ng kontribusyon sa lahat ng uri ng permit to stay, dapat ay nilimitahan lamang sa carta di soggiorno, dahil dito lamang umano maaaring i-aplay ang naging desisyon ng European Court of Justice, na noong nakaraang taon, ay hinatulan ang kontribusyon na “hindi angkop” at isang hadlang sa integrasyon.
Malaking importansya ang ibinibigay sa “malalang epekto sa operasyon at finance matapos ang desisyon ng Tar”. Kabilang dito ang nabanggit na pangangailangang baguhin ang online system ng mga Questura sa pagtanggap ng mga application at renewal ng walang kontribusyon, sa kabila ng Hulyo pa lamang ang Ministry of Interior ay sinabing in-update na ang kanilang online system upang hindi lamang matanggap ang mga aplikasyon bagkus ay ang mai-release din ang mga permit to stay.
Lalong higit, ay binigyang-diin ng Avvocatura ang perang mawawala sa estado sa pagtatanggal ng kontribusyon at sa pagbibigay ng risarcimento sa mga imigrante, na hanggang sa ngayon, ayon sa kalkulasyon ng Ministry of Finance ay nakapaghatid ng higit sa 800 M euros (na hindi makatrungan ayon sa Tar). Ang Depertment of Public Security, halimbawa, ay mawawalan ng halos 50 M kada taon, kinakailangan ayon sa Avvocatura na “siguraduhin ang isang epektibong paraan upang sugpuin ang krimen bukod pa sa malampasan ang emerhensya na nauugnay sa imigrasyon at ang banta ng terorismo”.
Sa hinaing apela ay binanggit ang “malaking negatibong epekto nito sa public finance”. Bukod dito ay nasasaad na ang kawalan ng kontribusyon ng mga permit to stay ay inaasahang makakaapekto rin sa regular na daloy ng buong proseso ng imigrasyon”, na hanggang sa kasalukuyan ang malaking bahagi nito ay buhat sa perang ibinayad ng mga imigrante.
Ngayon ang lahat ay nasa kamay na ng Council of State, na sa lalong madaling pahahon ay kailangang kumilos at magdesisyon. Samantala, ipinapaalala na ang desisyon ng Tar ay kailangang ipatupad at samakatwid ay tanggalin ang kontribusyon ng mga permit to stay. Ang sinumang nag-aplay ng releasing o renewal ay kailangang magbayad ng 30,46 euros para sa printing ng epermit, 16 euros para sa revenue stamp o marca da bollo at 30 euros para sa Poste Italiane at may kabuuang 76,46 euros, ang halagang dapat bayaran hanggang sa ngayon.