in

Italian citizenship ng mga ipinanganak sa Italya makalipas ang 19 anyos

Ako ay ipinanganak sa Italya at dito ay nanatiling nanirahan. Hindi ako nag-aplay ng italian citizenship sa edad na 18 anyos at nanatili ang renewal ng aking permit to stay. Ngayon ako ay halos 21 anyos na at nais kong maging Italian citizen. Maaari pa rin ba akong mag-aplay ng Italian citizenship? 

 

Ang mga foreign nationals na ipinanganak sa Italya ngunit hindi ginawa ang “dichiarazione di volontà” sa Comune sa pagsapit ng 18 anyos, ay maaaring mag-aplay ng citizenship sa Prefecture.

Ang dichiarazione di volonta ay maaari lamang gawin mula 18 anyos hanggang sa pagsapit ng 19 anyos, o hanggang 20 anyos kung hindi natanggap ang komunikasyon buhat sa Comune partikular mula sa Ufficio dello Stato Civile, ukol sa karapatang maging italian citizen (L. n. 98/2013). Ang nabanggit na komunikasyon, sa katunayan, ay kailangang ipadala sa tirahan kung saan residente anim na buwan bago sumapit sa age of majority. 

Makalipas ang panahong nabanggit, ang aplikante ay maaring magsumite ng aplikasyon ng citizenship sa Prefecture. Requirements, bukod sa ipinanganak sa Italya ay ang tatlong (3) taong regular na residente sa bansa. Ang sinumang nanatili sa Italya ay awtomatikong matutugunan ang requirement na ito kung kaya’t ipinapayong huwag maghintay ng tatlong taon sa pag-aaplay matapos lumipas ang taong pinahihintulutan ng batas. 

Sa pagkakataong ito ay kailangang matugunan ang income requirement, o ang pagkakaroon ng income o sahod na hindi bababa sa 8.500 euros kada taon sa huling tatlong taon bago ang pagsusumite ng aplikasyon. Ang tinutukoy na income ay family income at nangangahulugan na kung isang mag-aaral ay sapat na ang sahod ng mga magulang. 

Ang application ay dapat na isumite sa Prefecture na kinasasakupan sa pamamagitan ng paggamit ng application form online at lakip ang mga dokumento (tiff,pdf o jpeg). Ang Ministry of Interior, gayunpaman, ay maaaring humingi ng karagdagang dokumentasyon kung kinakailangan. Anumang komunikasyon mula sa Ministry ay matatanggap online sa pamamagitan ng website ng ginamit sa pagpapadala ng application at isang notification sa email na ginamit ay matatanggap rin ng aplikante. 

Ang aplikasyon sa citizenship ay nangangailangang bayaran ang isang kontribusyon na nagkakahalaga ng € 200.00 sa cc 809020 at nakapangalan sa Minsitry of Interior. Ang resibong pinagbayaran ay kailangan ring ilakip sa aplikasyon. 

Ang panahong hinihingi sa proseso nito ay 730 araw. Sa kasong positibo, ang Prefecture ay magpapadala ng notification sa aplikante sa loob ng 90 araw mula sa pagtanggap ng decreto buhat sa kinauukulan. Matapos matanggap ng aplikante ang decreto ay kailangang magtungo sa Comune sa loob ng anim (6) na buwan, para gawin ang panunumpa o giuramento di fedeltà alla Repubblica. Makalipas ang nabanggit na panahon, ang decreto ay mawawalan ng bisa at kinakailangang gawin ang buong proseso mula sa simula, kasama ang pagbabayad ng kontribusyon.    

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Apela upang pagbayarin muli ang mga imigrante ng buwis sa permit to stay, inihain sa Council of State

Inter Pinoy Family Organization 2011, nagdiwang ng ika-5 anibersaryo