in

Inter Pinoy Family Organization 2011, nagdiwang ng ika-5 anibersaryo

“Connecting Dreams Towards Brighter Future”

 

Milan, Setyembre 19, 2016 – Masayang idinaos ang ika-5 taong anibersaryo ng grupong Inter Pinoy Family (IPF) Oraganization na dinaluhan ng ilang grupo ng mga Pinoy sa Milan, mga kaibigang Italyano bukod pa sa mga kasapi nito.

Ayon kay Ronnie Oliveros, Bicolano, ang Presidente ng IPF, kasalukuyan ay may higit 50 miyembro na ang grupo. Ang mga ito ay galing sa iba’t-ibang probinsiya sa Pilipinas katulad ng Cordillera, Pampanga, Bicol, Mindoro, Batangas, Manila, Visayas at iba pa.

Layunin ng nasabing grupo ang tulungan ang bawat miyembro pagdating sa kabuhayan habang sila ay nasa ibayong dagat partikular na ang mga kasalukuyang OFWs dito sa bansang Italya.

Ayon kay Oliveros ay nag-umpisa ang grupo mula sa magkakaibigan at magkukumpare. “Nag-umpisa kami sa sampung pamilya. At dahil nakikita namin na naghihirap kami sa trabaho at walang natitira sa mga suweldo namin ay pinagpasyahan naming magbuo ng isang samahan na magiging kapaki-pakinabang sa lahat at pinangalanan itong Inter Pinoy”, dagdag pa ni Oliveros.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang grupo ng mga Pilipino ay karaniwang nahahati at nagkakawatak-watak dahil sa iba’t ibang suliranin maging mga personal na bagay man.

Dahil dito ay sinisikap ng grupong IPF na panatilihin ang kanilang hangarin na magkaisa. 

Ang pinaka importante sa amin ay tulungan ang aming mga sarili”, ani ng presidente. At ipinagmalaki din niya na marami ang sumusuporta sa kanilang grupo dahil sa kanilang magandang layunin.

Samantala, ang pagtanggap sa mga miyembro ay batay sa Constitution and By-laws na napagkasunduan ng bawat officers. 

Sa katunayan, ayon kay Vinzon, isa sa mga bagong kasapi, ay dumaan umano ito sa masusing evaluation ng grupo bago pa siya tinanggap bilang miyembro ng grupo.

Nabago ang buhay ko mula noong napasama ako sa grupong ito dahil nakatulong hindi lamang sa akin kundi pati sa pamilya ko”, pagmamalaki ni Vinzon, dahil isa siya sa mga mapalad na nabigyan ng isang magandang trabaho sa Milan.

Bukod sa mga nabanggit, kung papalarin ani ni Oliveros ay magtatayo sila ng isang negosyo sa Pilipinas at ito ay pakikinabangan ng mga pamilya at miyembro ng IPF.

Kahit kami ay naririto sa Italya ay sisiguraduhin namin na magiging maganda ang takbo ng negosyo ng grupo”, pagtatapos ng presidente. 

 

INTER PINOY FAMILY ORGANIZATION 2011 

Ronnie Oliveros – President

Jaylon Equipado – Vice President 

Jun Palangdao – Secretary

Senen Cunag – Treasurer

Lady Policarpio – Auditor

Vinzon Oliveros – PRO

Rochelle Sagum – Business Manager

Anne Quismorio – Adviser

Leo Babula – Adviser

 

ulat ni Jesica Bautista

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian citizenship ng mga ipinanganak sa Italya makalipas ang 19 anyos

Nag-18 anyos ang anak bago lumabas ang nulla osta ng family reunification, ano ang dapat gawin?