in

Releasing at renewal ng permit to stay, sa mga nagbayad ng buwis lang!

Ang Interior Ministry ay nagbigay ng indikasyon matapos ang desisyon ng Council of State. Susuriin din ang mga aplikasyon/renewal na isinumite sa nakalipas na buwan. 

 

Roma, Setyembre 20, 2016 – “Urgent“. Ito ang maliwanag na nasusulat sa komunikasyon sa lahat ng mga Questure mula sa Minsitry of Interior ukol sa muling pagbabayad ng buwis (o kontribusyon) ng mga permit to stay.

Noong nakaraang Mayo, ang buwis (o kontribusyon) para sa releasing o renewal (mula 80 hanggang 200 euros batay sa uri ng dokumento) ay tuluyang pinawalang-bisa sa pamamagitan ng isang hatol mula sa Tar. Matagal na nanahimik ang Viminale at iniwan ng ilang linggo ang mga Immigration Office at mga dayuhang walang anumang impormasyon ukol sa balita at sa dapat gawin. Hulyo lamang lumabas ang isang komunikasyon na dapat tanggapin at gawin ang mga aplikasyon ng releasing at renewal ng hindi hihingi ng karagdagang halaga batay na rin sa naging hatol ng tar. 

Ngunit nitong Setyembre 14, ang Council of State ay sinuspinde ang naging hatol ng Tar, at muling ibinalik ang pagbabayad ng buwis hanggang sa susunod Oktubre 13, kung kailan gaganaping ang isang pagdinig at inaasahan ang paglabas ng isang pinal na desisyon ukol sa naging sospensyon. 

Samantala, makalipas lamang ang dalawang araw, mula sa Immigration Management ng Department of Public Security ay lumabas ang urgent message kung saan ipinapaliwanag sa lahat ng mga Questure ang epekto ng pinaka bagong desisyon o ang muling pagbabayad sa buwis. 

Ayon sa mga Questure, “kami ay magpapatuloy sa releasing at renewal ng mga permit to stay kung bayad lamang ng aplikante ang halagang nasasaad sa artikulo 5, talata 2 ter ng Testo Unico sull’Immigrazione”. At kailangan “tugunan din ang pagsusuri ng mga aplikasyong isinumite bago ang petsa ng Sept 14 kung kailan hindi pa nakikita ang depinisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang utos”. 

Sa madaling salita para sa mga kinauukulan, ito ay nangangahulugan na simula ngayong araw na ito, sa releasing at renewal ng mga permit to stay ay dapat ding bayaran ang buwis mula 80 hanggang 200 euros, kung hindi ang aplikasyon ay hindi ipagpapatuloy

Kahit ang mga aplikasyon ng renewal na isinumite noong nakaraang buwan na hindi nagbayad ng buwis o kontribusyon ay ihihinto ang proseso ng renewal. Hanggang kailan? Ito ay hindi tinukoy ng Viminale ngunit inaasahang hihingan ng karagdagang kabayaran upang ipagpatuloy ang renewal.

Lahat ng ito balido hanggang October 13, petsa kung kailan marahil magkaroon muli ng malaking pagbabago. 

 

Urgent Communication mula sa Questure

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nag-18 anyos ang anak bago lumabas ang nulla osta ng family reunification, ano ang dapat gawin?

Tourist visa, bakit kailangan ang polizza fideiussoria?