Kailan isusumite ang aplikasyon? Ang mga magulang ba ay dapat mag-update ng kanilang permit to stay? Paano kung carta di soggiorno ang hawak? Narito ang mga sagot ng Ministry of Interior sa katanungan ng mga operators ng Anci.
Oktubre 1, 2016 – Isang personal permit to stay para sa lahat ng mga dayuhang menor de edad. Ito ang pagbabago na ipinatupad simula July 23 ayon sa Batas ng Europa 2015-2016. (Narito ang mga detalye)
Matatandaang noong una, ang personal permit to stay ay ibinibigay lamang sa mga anak ng imigrante sa pagsapit ng 14 anyos. Ang mga mas bata naman ay nakatala o kasama sa dokumento ng mga magulang at binibigyan lamang ng ‘allegato’ ng permit to stay ng magulang.
Maraming katanungan hindi lamang ang mga magulang kundi pati ang mga nilalapitan nito ukol sa renewal ng mga permit to stay. Ang ilan sa mga katanungan ay ipinaabot sa Ministry of Interior ng mga operators ng network ng mga Comune na kabilang sa programa ng Anci, at ilang araw pa lamang ang nakakalipas ay inilathala ang detalyadong sagot ng Interior Ministry. Narito ang mga ito:
1. Sa kasong ang parehong magulang ay mayroong permit to stay na magkaiba ang expiration date, sa araw ng expiration, ang isang magulang ay kailangang gawin ang request ng individual permit para sa bawat menor de edad na anak na nakatala o kasama sa permit. Sa pagkakataong ito ay gagawin din ang aggiornamento o update ng permit to stay ng isa pang magulang upang matanggal sa pagkakatala ang anak na menor sa permit nito?
No, ang ikalawang magulang ay hihintayin ang expiration ng hawak na permit to stay upang gawin ang aggiornamento o update.
2. Sa kasong ang unang magulang ay mayroong permit to stay at ang ikalawang magulang ay mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno. Sa pagkakataong ang unang magulang ay hilingin ang renewal ng dokumento, kahit ang ikalwang magulang ba ay dapat gawin ang ‘aggiornamento’ ng hawak na dokumento upang magkaroon ng carta di soggiorno ang mga anak?
Ipinapayong ang magulang na mayroong carta di soggiorno ay mag-update o gawin ang aggiornamento dahil sya ang may mahusay na kundisyon maging para sa mga anak. Ang magulang na permit to stay ang hawak ay gagawin ang renewal sa expiration ng nabanggit na dokumento.
3. Sa kasong ang parehong magulang ay mayroong carta di soggiorno, ang request ng aggiornamento upang magkaroon ng individual permit t stay ang mga anak na menor de edad ay kailangan bang gawin ng parehong magulang o sapat ng mag-update ang isa sa dalawa?
Sapat na ang mag-update o gawin ang ‘aggiornmaento’ ng isa sa mga magulang para magkaroon ng personal na permit to stay ang anak an menor de edad.