Bagong indikasyon sa mga Questure mula sa Minsitry of Interior: “Hindi nagbibigay ng limitasyon ang batas. Para sa sahod o reddito, ay idadagdag ang sahod ng mga miyembro ng pamilya”. Narito ang Circular.
Ang bagong indikasyon ay dalawang pahina lamang, ngunit bagong pag-asa ang hatid sa libu-libong mga imigrante na biktima ng krisis sa ekonomiya, na nanganganib na mawalan ng permit to stay.
Matapos ang mga reklamo at kilos protesta mula sa mga unyon ng manggagawa, ang Ministry of Interior ay nagpadala sa mga Questure ng paglilinaw ukol sa permesso per attesa occupazione na iniisyu sa mga nawalan ng trabaho.
Matatandaang paulit-ulit na binabanggit na ang ganitong uri ng dokumento, sa unang releasing, ay balido ng “hindi bababa sa isang taon”, isang hindi direktang paalala na ito ay dapat na balido ng mas mahabang panahon. Sa wakas, ayon sa Ministry, ang nabanggit na uri ng dokumento ay maaari nang i-renew sa expiration nito.
Ang batas, ayon sa isang Circular ng Immigration Department on Public Security, “ay hindi naglagay ng limitasyon sa posibleng renewal“, at samakatwid ay maaaring “balido ng taunan sa mga susunod na panahon matapos ang first issuance”. Ito ay isang mahalagang pagbubukas dahil hanggang sa kasalukuyan, ang nabanggit na uri ng dokumento ay isang uri ng pinakahuling pag-asa dahil ang sinumang hindi magkaroon ng trabaho sa loob ng isang taon (ang minimum na palugit na ibinibigay ng Questura) ay pagkakaitan ng renewal at samakatwid ng karapatang manatili sa Italya.
Ayon sa Ministry, ang mga Questure ay kailangang suriin ang bawat kaso, sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa mga miyembro ng pamilya, sa taon ng pananatili sa Italya at anumang police record ng imigrante. Samakatwid ay kailangang isaalang-alang ang lebel ng “social inclusion” o integrasyon. Ito marahil ay maaaring maging batayan halimbawa ukol sa duration ng ibibigay na permit to stay.
Ayon pa sa batas, para sa renewal ay kailangan ang minimum salary required, tulad ng required salary sa family reunification na katumbas ng halaga ng assegno sociale at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat dependent na miyembro ng pamilya. Upang malaman ito, ayon pa sa Circular, “ay maaaring isaalang–alang ang kabuuang kita ng mga miyembro ng pamilya na kapisan o kasamang naninirahan ng aplikante”. Halimbawa, isang walang trabaho ay maaaring i-renew ang permesso per attesa occupazione kung ang asawa ay mayroong trabaho.
Bukod dito, ukol sa kasiguraduhan ng minimum salary required, ay ipinapaalala ng Ministry ang pinakahuling hatol ng Council of State kung saan nasasaad na ang mga Questure ay hindi dapat limitahan ang pagsusuri sa laki ng sahod ng imigramte na kasisimula pa lamang sa trabaho, ngunit kailangang tantiyahin ang maaaring sahurin sa hinaharap batay sa panahon, oras at sahod na nasasaad sa employment contract.
Upang higit na maunawaan ang halaga ng bagong indikasyon ukol sa permesso di soggiorno per attesa occupazione, ay ipinapayong silipin ang huling ulat sa “Migrant nel mercato del lavoro in Italia” na inilathala ng Ministry of Labor, kung saan nasasaad na noong 2015 ay mayroong 456,000 walang trabahong imigrante. Partikular ang mga non-EU nationals ay mayroong rate of unemployment na 16.7% kumpara sa 11.4% na naitala sa mga Italians.
Circolare sul rinnovo del permesso di soggiorno per attesa occupazione