Nagtampok ng siyam na naggagandahang mga binibini ang ika-12 edisyon ng Search for Binibining Pilipinas-Italy 2016. Si Deborah Ann Magnini ang hinirang na Miss Binibining Pilipinas-Italy 2016.
Modena, Oktubre 19, 2016 – Ang ika-12 edisyon ng Search for Binibining Pilipinas-Italy 2016 na ginanap sa Teatro Storchi sa probinsiya ng Modena, Italy ay nagtampok ng siyam na naggagandahang mga binibini sa edad na mula 15 hanggang 23 taon gulang.
Ito ay kinabibilangan nina Kimmi Hidalgo (Turin), Monette Renn Fructuoso (Bologna), Clarissa Mae Ramento (Napoli), Corelyn Soriano (Salerno), Kimberly Rogelio (Rome), Maria Danica Eronga (Pisa), Moira Batoon (Milan), Pearl Hyacinth Bantugon (Modena), at Deborah Ann Magnini (Palermo).
Ang nasabing patimpalak ay inorganisa ng Filipino Association of Talents in Europe sa pamumuno ni “The Pinoy Ricky Martin” Armando Borromeo Curameng sa tulong ng isang malaking grupo sa nasabing siyudad, ang GPII BLACK HAWK LEFT HANDER sa pangunguna ng kanilang president na si Marlon Coloma.
Sinuportahan din ito ng lokal na gobyerno ng Modena, ang alkalde na si Sindaco Gian Carlo Muzzarelli.
Isang araw bago ang main event ay nagdatingan na ang mga candidates maging ang kanilang mga supporters mula sa iba’t ibang rehiyon ng Italia.
Nagkaroon ng rehearsals at sa kinagabihan ay hindi nawala ang photoshoot ng mga beauties. Nagpakitang gilas ang mga ito sa kani-kanilang mga posing.
Sa araw ng patimpalak ay lubos ang pasasalamat ni Sindaco Gian Carlo Muzzarelli sa pagpili sa Modena bilang host city ng Search for Binibining Pilipinas-Italy 2016 at sa mga kababayan natin na sumuporta.
“Puyat at pagod na pinagtulung-tulugan naming mga miyembro ng Black Hawk Left Hander at mga kaibigang nag volunteer na nag resulta naman ng isang matagumpay ng event”, masayang tugon ni Coloma sa Ako ay PIlipino.
Ang “Search for Binibinbing Pilipinas-Italy” ay unang ginanap sa Roma subalit ayon kay Curameng maliban sa Modena ay dinala na nila ito sa Reggio Calabria, Ascoli Piceno, Napoli, Firenze, Arezzo at Palermo.
Kinoronahan si Deborah Ann Magnini ni outgoing Binibining Pilipinas-Italy 2015 Lady Yhunice Ligon bilang Binibining Pilipinas-Italy 2016 at sa kanyang pagkapanalo ay awtomatikong kasali siya sa “Principessa di Europa 2016” isang beauty contest sa Rimini, Emiglia Romagna, Italy.
Maliban sa korona at tropeo na pagiging ganap na Binibining Pilipinas-Italy 2016 ay nabigyan din siya a free round trip ticket sa Pilipina. Ito na rin ang kanyang pagkakataon para makapiling niya muli ang kanyang mga kamag-anak sa Pasig, Manila.
Samantala, napagkasunduan ng mga hurado ang isang katanungan lamang para sa mga finalists, “If you have a chance to talk with our new president Rodrigo Duterte, What would you tell him?”
Ang karaniwang sagot ng mga binibini ay ang pagbati sa magandang hangarin ng Pangulo tungo sa ikauunlad at mapayapang bansang Pilipinas, lalo na sa pag sugpo sa krimen tulad ng mga nagtutulak at gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga. Bagaman may isang hindi sang-ayon sa mga kaganapan sa kasalukuyan sa Pilipinas partikular ang pagdami sa bilang ng mga napapaslang.
“Well the question for the finalists is very timely, kasi some of our kababayans here are not aware kung ano ang nangyayari sa Pilipinas”, ani Curameng.
Dagdag pa niya, layunin din nito ay upang maipamulat sa mga candidates ang kalagayan ng Pilipinas.
Para sa “Search for Binibining Pilipinas-Italy 2017” ani Curameng, ito ay gaganapin sa Salerno para sa kanilang ika-13 edisyon ng pageant.
Matatandaang si Curameng ang kaunaunahang Pinoy na mapalad na mapabilang sa semi-finals ng “the Voice of Italy” sa mahigit 8000 mga aspiring talents na sumali sa naturang singing contest nitong taon.
Miss Binibining Pilipinas-Italy 2016: Deborah Ann Magnini
1st runner up: Pearl Hyacinth Bantugon (Modena)
2nd runner up: Corelyn Soriano (Salerno)
3rd runner up: Kimberly Rogelio (Roma)
4rd runner up: Kimmi Hidalgo (Turin)
5th runner up: Clarissa Mae Ramento (Napoli)
Filipiniana design: Deborah Ann Magnini
Filipiniana dress : Corelyn Soriano
Foreign attire: Kimberly Rogelio
Evening gown: Deborah Ann
Swim suit: Deborah Ann Magnini
Miss flawless: Maria Danica Eronga
Talent: Kimberly Rogelio
Talent 1st runner up: Moira Batoon
Talent 2nd runner up: Corelyn Soriano
Photogenic: Corelyn Soriano
Telegenic: Kimberly Rogelio
Miss social media: Clarissa Mae Ramento
Best performer award: Corelyn Soriano
Miss friendship: Pearl Hyacinth Bantugon
Miss filipino star: Monette Renn Froctuoso
Miss black hawk modena: Kimmi Hidalgo
Popularity: Pearl Hyacinth Bantugon
Popularity 1st : Kimberly Rogelio
Popularity 2nd: Monette Renn Froctuoso
Best in poise: Pearl Hyacinth Bantugon
Most articulate : Corelyn Soriano
Miss commune di Modena: Pearl Hyacinth Bantugon
ulat ni: Chet de Castro Valencia