Sa Sabado Oct 29 at Linggo Oct 30, sa ganap na alas 3:00 ng madaling araw ay dapat ibalik paatras ng isang oras ang mga relos.
Oktubre 24, 2016 – Isang oras na dagdag tulog hanggang Marso dahil sa mas maigsi ang araw at mabilis ang pagkalat ng dilim.
Ito ang tinatawag na ora solare o solar time kung saan sa ganap na alas 3:00 ng madaling araw ng Oktubre 29 ay dapat ibalik paatras ng isang oras ang mga relos.
Nangangahulugan na ang ora legale o ang Daylight Saving Time ay muling magbabalik sa March 30, 2017.
Paalala: Ang mga computer, smartphone at tablet ay awtomatikong magpapalit ng oras. Samantala, para sa mga wrist watch at alarm clocks ay iaatras naman ang mga oras.