in

Italian language test para sa carta di soggiorno, ano ang proseso?

Ako ay mag-aaplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno. Ngunit kailangan ko munang sumailalim sa italian language test, ano po ang posesong dapat kong sundin para dito?

 

Disyembre 15, 2016 – Simula 2010 ang non-EU nationals na nais na magsumite ng aplikasyon para sa issuance ng EC long term residence permit o carta di soggiorno, bago ang lahat, ay kailangang sumailalim at malampasan ang italian language test na layuning mapatunayan ang kaalaman sa wikang italyano. May ilang exemptions ito sa ilang partikular na pagkakataon lamang.  

Ano ang tanggapang dapat lapitan? Saan maaaring makakuha ng form? 

Lahat ay gagawin online at samakatwid ay hindi kailangang magpunta sa anumang tanggapan at sapat na ang sagutan online ang form upang mag-request na sumailalim sa Italian test. 

Partikular, ang mga non-EU nationals na nais na sumailalim sa nabanggit na test ay kailangang:

1) Mag-register sa website ng Ministry of Interior, ilagay lamang ang email address at ang password;

2) Matapos ang registration ay mag-log in. Sa “Richiesta moduli” ay kailangang i-fill up ang form at ilagay ang mg personal datas, datos ng permit to stay at ng isang personal document, ang address. Batay sa CAP ng address ay ibibigay ang address sa aplikante kung saan o sa anong tanggapan sasailalim sa test;

3) Matapos i-fill up ang form ay kailangang ipadala ang aplikasyon at maghintay ng ilang linggo. Karaniwang 60 araw ang panahong itinakda upang malaman ang petsa at ang lugar kung saan kukuha ng test. Sapat na ang magpunta sa ‘area personale’ ng website http://testitaliano.interno.it/, sa “Domande” section. 

Bahagi ng test ang pakikinig at ang pagbabasa sa dalawang maikling teksto upang masagot ang ilang tanong sa pamamagitan ng multiple choice o pagpipili ng sagot, tulad ng True or False. 

Bago tuluyang matapos ay bibigyan ng isang paksa ang aplikante na dapat sumulat ng isang maikling teksto. 

Ang pagsusulit ay maituturing na pasado kung aabot sa hindi bababa sa 80 ang puntos.   

Para sa halimbawa ng pagsusulit, i click lamang ito. 

Ano ang mangyayari kung ang aplikante ay hindi makakarating sa araw ng pagsusulit? 

Hanggang sa pagsapit ng petsang itinakda ng pagsusulit ay maaaring magpadala ng medical certificate sa pamamagitan ng fax o koreo sa paaralan kung saan magkakaroon ng pagsusulit. Sa ganitong kaso ay bibigyan ng panibagong petsa. 

Ngunit sa kawalan ng abiso o kaso ng unexcused absence, makalipas lamang ng 90 araw maaring mag-request ng panibagong petsa  para sa pagsusulit at kailangang sundin ang buong proseso mula sa simula. Ganito rin ang gagawin sa kasong bagsak sa test. 

Matapos lamang maipasa ang italian language test maaaring magsumite ng aplikasyon para sa EC long term residence permit o carta di soggiorno sa Questura na sumasakop sa tirahan. 

 

ni: Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa Tagalog ni: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus cultura, matatanggap simula Nov 3

Maging Handa! Ihanda ang Emergency Kit