in

Search for Mrs Philippines-Italy 2016, tagumpay!

Tinanghal si Mrs Marygold Jornadal bilang Mrs Philippines-Italy 2016 bukod pa sa Best in Talent, Mrs Photogenic at Best in Long Gown. 

 

 

Milan, Nobyembre 3, 2016 – Labing isang nag-gagandahang mga Mommies ang rumampa sa ginanap na Search for Mrs. Philippines-Italy 2016, sa pangunguna ng Batangas Varsitarian.

Suot ang kani-kanilang mga evening at filipiniana gowns, sports at casual wears ay nagpakitang gilas sa Teatro Pime, Milan ang mga flawless Misis.  Dinaluhan ang nasabing patimpalak hindi lamang ng mga Pinoy kundi mag-ing ng mga Italyanong sumusuporta sa kani-kanilang candidates na hindi inakalang mga Misis sa paningin ng mga audience. 

Sa pamamagitan ng patas na scoring ng bawat hurado, si Mrs Marygold Jornadal ang nanalo bilang Mrs Philippines-Italy 2016. At maliban dito ay nakuha din niya ang Best in Talent, Mrs Photogenic, at Best in Long Gown.

Naging 1st runner up naman si Mrs Rizza Rabino, 2nd runner up si Mrs Anna Nagrama, 3rd runner up si Mrs Jeneth Marquines at 4th runner up naman si Mrs Nhads Veluya. 

Magkaroon ng tiwala sa sarili, huwag mahihiya sa sarili at huwag kabahan”, ito ang mensaheng ipinarating ni Marygold sa mga misis na katulad niya na sumali sa mga ganitong beauty pageant.

Pinasalamatan ng Mrs Philippines-Italy 2016 ang kanyang pamilya, mga supporters at lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang kanyang partisipasyon sa patimpalak.

Samantala, nakatanggap din ng mga special awards ang iba pang mga candidates na kinabibilangan nina Mylene Marasigan, Phine Fulgencio, Gwen Roque, Ashe Cuevas, Cecille Malasique at Gina Oloc oloc.

Lubos din ang pagpapasalamat ni outgoing Mrs Philippines-Italy 2015 Mrs Michelle Mendoza sa kinatawan ng Batangas Varsitarian, sa kanyang asawa na si Avenir Mendoza at ang kanilang tatlong anak at mga kaibigan na walang tigil na suporta. 

Ayon kay Ayo Nova ang overall president ng Batangas Vasitarian Italy Council, ang grupong ito ay inorganisa noong taon 2009 at may layuning tumulong sa mga kapus palad na kababayan sa Pilipinas. 

Isa sa mga hinalimbawa niya ay ang pagpapadala ng mga relief goods sa mga nasalanta ng malakas na bagyo sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Leopoldo de Chavez Jr. ang Milan Batangas Varsitarian President ay hindi lamang ito personal na pag ayuda sa mga mahihirap nating mga kababayan kundi ito ay para sa pangkalahatang tulong sa abot ng kanilang makakaya.

 

 

ulat at larawan ni Jesica Bautista

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maaari bang mag-aplay ng ‘residenza’ ang mga wala pang permit to stay?

Miss Universe, kumpirmado sa Pilipinas