in

Mga dayuhang kabataan, magpa-patrol kasama ng awtoridad sa Milan

Sila ay magpa-patrol sa mga lugar kung saan maraming imigrante. Magsisimula sa internships na magbibigay ng karagdagang puntos para sa Local Police selection. “Ito ay isang paraan ng inclusion”

 

Nobyembre 30, 2016 – Mga kabataang imigrante at anak ng mga imigrante kasama ng mga urban police sa mga multi-ethnic areas. Una bilang mga interns, pagkatapos ay bilang ganap na alagad ng batas. Kahit sa ganitong paraan ay nais na mapagtagumpayan ng Comune di Milano ang mga hamon sa seguridad at integrasyon.  

Inanunsyo ni Vice Mayor for Security and Civilan Protection Carmela Rozza ang paglulunsad bago ang Spring 2017 ng joint patrols: tatlong local police kasama ang isang foreign trainee na Arab, Chinese o Spanish upang magbigay ng ilang halimbawa: ang mga Arab at Muslim interns, pati na din ang Latinos, sa Via Padova. Arab Interns sa San Siro. 

Ang unang mga trainees ay nagma-master ng urban security ng Bicocca University, Bocconi at Cattolika, kung saan ang Comune ay may kasunduan. “Sila ay bibigyan ng refund of expenses at pagkakalooban ng uniform. Bukod dito ay maaaring magkaroon ng karagdagang puntos para sa Milan Local Police selection”.  

Ayon pa dito, “Ang Inclusion ay nagsisimula rin sa pamamagitan ng page-enlist sa mga dayuhan bilang alagad ng batas”. Isang epektibong modelo sa ibang bansa. Sa katunayan, si Rozza ay nasa Holland dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas para sa isang security convention: “Sa Rotterdam, kung saan mayroong 154 iba’t ibang lahi, ay kasama ng mga pulis ang ilang agent ng ikalawa at ikatlong henerasyon ng mga imigrante. Sila ang mga  naka-assign sa mga dayuhan sa ilang partikular na lugar kung saan maaari nilang makausap sa sariling wika ang mga ito upang maiwasan ang radicalization“.

Nais din ng Comune na may ma-recriut na mga boluntaryo para sa surveillance sa mga parke ng lungsod, na kadalasan ay pinipiling venue ng mga pagdiriwang ng mnga komunidad. 

Kamakailan ay aking kausap ng Consul General ng Consulate ng Milan at sa mga susunod na araw naman ay aking kakausapin ang Latin Americans, partikular ang Peruvian Consul. Ako ay humihingi sa kanila ng mga boluntaryo na maisasama bilang ecological guards upang mabantayan ang mga parke at makausap ang mga imigrante. Kahit sa mga lansangan, ay nais naming ipatupad ang parehong prinsipyo: mayroong mga alituntunin na dapat sundin at igalang.” 

Milan Vice Mayor for Security and Civilian Protection Mrs Maria Carmela Rozza, Police Commissioner of Milan Antonio Barbato, Consul General Marichu Mauro , Consul Conrado Demdem Jr. and Msgr. Alberto Vitali of Migrants Affairs of the Archdiocese of Milan - photo credit: Consul General Marichu Mauro/facebook

           Milan Vice Mayor for Security and Civilian Protection Mrs Maria Carmela Rozza, Police Commissioner of Milan Antonio Barbato, Consul General Marichu Mauro , Consul        Conrado Demdem Jr. and Msgr. Alberto Vitali of Migrants Affairs of the Archdiocese of Milan. photo credit: Consul General Marichu Mauro/FB

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Grand Rally ng CLAMOR, isang panawagan ng pagbabago at Recall Amabasador Nolasco kay Pres. DU30

30 libong entries para sa Decreto Flussi 2017! Magbubukas nga ba ang bansang Italya?