in

Pagpasok ng 1160 non-Europeans athletes, aprubado!

Itinakda ng pamahalaan ang bilang ng mga atletang dayuhan na maaaring makapasok sa Italya para sa Sport Competition2016/2017. Narito ang dekreto at paliwanag ng CONI. 

 

Roma, Disyembre 1, 2016 – Isang mini-decreto flussi na nakalaan para sa mga atleta! 

Tinatayang 1,160 atleta mula sa mga non-Europeans countries ang pinahihintulutang pumasok sa bansa para sa Sport Competition 2016-2017 na maaaring lahukan (o maaaring bayad) sa Italya. Ito ay para sa mga bagong papasok sa bansa, gayun din sa mga dayuhang nasa Italya na at mayroong permit to stay para sa sport, lavoro o familiari. 

Ang maximum na bilang ay iminungkahi sa gobyerno ng CONI na sa mga nagdaang buwan ay sinangayunan ng Ministry of Interior at Labor. Noong nakaraang Nobyembre 4, ay pinirmahan ni Undersecretary Caludio De Vincenti ang dekreto na nagbigay opisyal sa pagpasok ng 1160 atleta, na ibabahagi ng patas sa lahat ng national sports federation. 

Ang mga sports club ay direktang lalapit sa mga pederasyon sa pagpasok sa Italya ng mga atletang dayuhan. Ang CONI ang gagawa ng aplikasyon at kung may pagkakataon pa matapos ang ok ng Questura, ang mga atleta ay magkakaroon ng entry visa. Pagdating sa Italya ay pipirma ng kontrata na magbibigay karapatan sa pagkakaroon ng permit to stay.

Ang buong proseso ay ipinaliwanag ng CONI sa pamamagitan ng isang Circular. Narito naman ang dekreto na inilathala ng portale integrazione migranti. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

30 libong entries para sa Decreto Flussi 2017! Magbubukas nga ba ang bansang Italya?

Isyu ng paglaganap ng droga sa North Italy, haharapin ng AGAD