in

Bonus Figli Natalizio 2016, hindi totoo!

Hindi totoo ang inasam na Bonus Figli Natalio 2016 ng maraming pamilya sa Italya, kabilang ang mga imigrante. Narito ang maikling paliwanag. 

 

Ang Bonus figli natalizio 2016 ay isa umanong tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 150 euros para sa mga dependent minor (o hanggang 18 anyos) at 100 euros naman para sa mga dependent na anak mula 19 hanggang 25 anyos para sa mga pamilyang mayroong ISEE hanggang sa 50,000 euros. 

Ito ay isa sa napakaraming mga balita na nag-viral kamakailan ngunit nagdulot lamang ng pagkalito at huwad na pag-asa sa libu-libong mga pamilya sa Italya. Maaaring isang pagkakamali o maling pagkaka-unawa, dahil sa kasamaang-palad ang nabanggit na bonus ay hindi ipatutupad at walang matatanggap na allowance mula 150 euros kada buwan dahil walang anumang bonus na tinatawag na bonus figli natalizio 2016! 

Narito ang isang maikling paliwanag ukol sa bonus figli natalizio 2016. 

Ito ay isang balita na kumalat sa web noong nakaraang Mayo at tinawag na assegno figlio a carico da 150 euro. Ito ay isang panukala na isinulong ng 50 senador para sa mga pamilyang mayroong kabuuang sahod o reddito ISEE na mas mababa sa 50,000 euros kada taon. 

Ito ay dapat na naaprubahan muna sa Budget Committee, dadaan sa pagsusuri ng Kamara at pagkatapos ay sa Budget bill 2017, ngunit ito ay hindi naganap at hindi kailanman na-aprubahan! 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isyu ng paglaganap ng droga sa North Italy, haharapin ng AGAD

Undocumented sa Italya, nasa 435,000