Matagumpay na ipinagdiwang ang unang taong anibersaryo ng UFWI o United Filipino Workers in Italy sa Roma.
Roma – Matagumpay na ipinagdiwang ang unang taong anibersaryo ng UFWI o United Filipino Workers in Italy noong nakaraang Nobyembre 27 sa Roma.
Sa pagdiriwang ng unang matagumpay na taon ay ginunita ng grupo ang kanilang mga layunin. Pangunahin dito ang pagbibigay ng tulong moral at ispiritwal sa mga miyembro at hindi, na nababagabag o nababahala at kabikang din ang himukin sa pagkakaisa ang mga Pilipino sa Roma.
Sa katunayan, ayon kay Archimedes dela Cruz, ang presidente ng grupo “Ang pagdiriwang ng unang taon ay salamin ng patuloy na pagbuhos ng biyaya, pagkakaisa at pagmamahalan sa grupo, tulad ng tema ng pagtitipon, unity with love”.
Panauhing pandangal, si Pia Gonzalez-Abucay, ang patnugot ng pahayagang Ako ay Pilipino at www.akoaypilipino.eu at kasalukuyang presidente ng ENFID o European Network of Filipino Diaspora Italy.
Tanging mensahe ng panauhin ay ang pagtataguyod sa mga katangian ng mga Pilipino bilang mamamayan at manggagawa sa ibayong dagat.
“Ang mga katangian natin tulad ng pagiging matiyaga, tapat at puno ng pag-asa ang nagbuklod sa buong grupo sa pagmamahal at pagkakaisa lalo na’t ang inyong mga napiling mamuno ng samahan ay manunumpa”, ayon kay Gonzalez.
“Let us keep alive the spirit of change that our President hopes for our country and each Filipino not only in the Philippines. Let us be the ‘change’ that defines our identity as one people as we together fulfill our aspiration of a peaceful and progressive community”, aniya.
Kasabay ng pagdiriwang ay ginanap din ang panunumpa at pagtatalaga sa mga officers na kinabibilangan nina:
President: Archimedes M. Dela Cruz
Vice President Internal Affairs: Hamedita Sandoval
Vice President External Affairs: Rufo P. Cardeno Jr.
Executive Secretary: Mary Grace B. Salvador
Secretary: Vilma Tinoko
Assistant Secretaries: Glenda San Jose & Josie Soller
Treasurer: Renalyn Ruma
Asst. Treasurer: Jovie Mangulabnan
OIC Treasurer: Maricel Dela Cruz
Auditors: Venerando Madriaga & Maria Imelda Caligagan
PRO: Sony Paragas, Mylene Firme, Josefina Allado, Joelito Velasco
Business Manager: Karen Bernadeth Belleza, Tracelyn Dacasin,
Jovelyn Ducayo, Augustin Uclusin Jr.
Membership Chairman: Joann Alcantara
Advisers: Ernesto Delos Santos & Josefina Gabayan
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga grupong Association of Pangasinense in Rome, United Pangasinense in Rome, KAMI Link, Filipino Association Migrants in Rome, Pinoy Migrant Worker Association, OFW Watch Rome, PDP Laban EU-Rome, Nueva Viscaya Association, C.I.M.G. Malaya Chapter, Tarlac Migrants Workers in Rome, Annak Ti sta. catalina Association, Federation of Womens in Italy, Rome Italy Immigrants Association, Urdanetanians, LAWIN Guardians, TUY Association in Rome, Candonians in Rome, Philippine Independence Day Association.
Bukod sa Induction of Officers ay nagbigay rin ng pagbati ang mga panauhing dumalo, nagkaroon din ng cultural presentation, raffle draws, fashion show at contest.