Manunumpa ngayong gabi ang bagong hirang na Prime Minister ng Italy na si Paolo Gentiloni.
Roma, Disyembre 12, 2016 – Ang dating Foreign Minister na si Paolo Gentiloni ang hinirang na bagong Prime Minister ng Italya makalipas ang tatlong araw na konsultasyon ni Pangulong Sergio Mattarella at ng iba’t ibang partido. Ito ay dahil sa pagbibitiw ng Matteo Renzi matapos mamayagpag ang NO sa katatapos lamang na referendum ukol sa electoral process ng bansa.
Ayon sa mga pinakahuling balita ay kumpleto na ang listahan ng mga Ministro ng bagong Prime Minister at inaasahan ang kanyang panunumpa ngayong gabi.
Ang bagong gobyerno, pagkatapos, ay magtutungo sa Palazzo Chigi upang gawin ang traditional turnover bilang bagong Presidente ng Konseho.