in

Kailangan bang i-report sa Questura ang pag-upa ng apartment ng mga imigrante?

Ako ay isang Pilipina at kasalukuyang umuupa ng isang apartment sa Roma. Rehistrado ang kontrata nito ngunit ayon sa ilan ay kailangan kong magpunta sa Questura kasama ng may-ari ng bahay para sa cessione di fabbricato. Ano ito at saan po ito kailangan? 

 

Disyembre 27, 2016 – Ang sagot sa katanungang ito ay batay sa nasyunalidad ng umuupa. At bilang isang Pilipina, ito ay isang alituntunin na dapat sundin at hindi ipagwalang-bahala. 

Bilang regulasyon, batay sa decreto legge 79/2012, na isinabatas 131/2012, ay nasasaad na ang obligatory registration ng kontrata sa upa ng apartment sa tanggapan ng Agenzia dell’Entrate ay nagtatanggal sa obligasyon ng komunikasyon ng cessione di fabbricato. Ito ay para na rin sa pagbili ng bahay. 

Sa madaling salita, sa pagre-rehistro ng kontrata sa upa ng apartment ay ginagawa na rin ang komunikasyon ng cessione di fabbricato. Ngunit ito ay para sa mga umuupang Italian at European citizens lamang. Kung isang non-European citizen, tulad sa kaso ng Pilipina, ang obligasyon na gawin ang cessione di fabbricato sa pamamagitan ng bukod na komunikasyon sa Questura ay nananatili dahil ito ay nasasaad sa Testo Unico sull’Immigrazione. 

Sa katunayan ayon sa Artikulo 7 ng D. Lgsl 286/1998,: “Ang sinumang nagpapatira o tumatanggap bilang bisita sa isang dayuhan, kahit pa kamag-anak at nagbibigay karapatan sa tahanan sa paggamit nito ay kailangang gawin ang written comunication sa loob ng 48 hrs sa local police”

Samakatwid, ang cessione di fabbricato ay kailangang gawin sa Questura o sa Commissariato. Sa pagre-report nito ay kailangang tukuyin ang personal datas ng may-ari ng bahay at ang maninirahan dito bilang umuupa o bilang bisita, at kakailanganin – tulad ng nasasaad sa website ng Polizia di Stato – “ang rehistradong kontrata sa Agenzia delle Entrate at ang dokumento ng dalawang partes”. 

Sa sinumang hindi susunod sa alituntuning nabanggit ay mumultahan mula 160 hanggang 1100 euros. Ang cessione di fabbricato ay isa ring mahalagang dokuemnto para sa mga imigrante sa re leasing o renewal ng permit to stay. 

Narito ang form ng comunicazione di cessione di fabbricato

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Terorista ng Christmas market sa Berlin, napatay sa Milan

Pediatrician sa anak ng mga undocumented, patuloy na ‘experimental phase’ sa Lombardy