in

Raids at deportation sa paghahanap ng mga undocumented!

Ang indikasyon ni Gabrielli sa mga Questure. “Matinding paghahanap at pagpapatalsik”. 

 

Enero 2, 2017 – Isang paghihigpit laban sa mga irregular immigrants! Ganito sinisimulan ang bagong taon. 

Walang bagong batas sa ngayon. Sapat ng ang awtoridad ay tinutugis sa buong bansa ang mga walang permit to stay.  Pagkatapos ay ang pagpapatalsik matapos ang dumaan sa CIE (Centri di Identificazione ed Espulsione, kung mayroong pang lugar sa ilang nananatiling bukas. 

Ito ang direksyon na ibinigay bago magtapos ang taon ni Chief of Police Franco Gabrielli. Sa isang Circular na ipinadala sa mga Questure ay mababasang “kinakailangang gawin ang matinding paghahanap sa mga irregular third-country nationals, partikular sa pamamagitan ng mga pagsusuri mula sa iba’t iba uri ng awtoridad na mayroong karapatang kontrolin at patalsikin ang mga irregulars”.    

Binigyang-diin ni Gabrielli na ang mga aktibidad ng pagsasaliksik ay karaniwang nagpapahintulot na matugis ang pananamantala at pagdudumi sa ekonomiya ng bansa na kadalasan ay konektado sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa bansa pati na rin sa ibang bansa. Bukod dito ay kumakatawan bilang pag-iwas at paglaban sa kasalukuyang krisis ng masidhing migrasyon na isang pandaigdigang larawan ng kawalan ng ‘tatag’ at pagbabanta na nagtutulak sa mas malawak na pagpapanatili at matinding pagbabantay sa bansa”.

Sa circular ay ipinapaalala na ang pagpapatalsik o deportasyon ng mga undocumented ay isang priyoridad ng EU at ito ay nasasaad sa mga probisyon sa mga founding treaties, pati na rin sa mga political strategies tulad ng European Agenda ukol sa seguridad at migrasyon.

Mula theory sa aksyon, inaanyayahan ni Gabrielli ang mga Questore “sa isang pagpaplano upang ma-maximize ang mga available resources para sa mas malawak na pangangailangan sa bansa”. 

Ang pagpaplanong ito ay maaaring gawin sa Provincial Committee para sa kaayusan at seguridad ng publiko sa pamamagitan ng mga aksyon ng pagsusuri at pagko-kontrol hindi lamang bilang paglaban sa irregular immigration bagkus pati sa rin sa tila pakikisabwatan sa lahat ng uri ng kriminalidad na sanhi ng iligalidad. 

Samantala, nakikiisa rin ang mga prefecture “mas makakabuti ang pakikiisa ng lahat ng uri ng awtoridad sa pagpapatupad ng joint control operation plan kung saan makikita ang tulong ng mga local police. Ang Central Immigration Office at ang Frontier Police – pagtatapos pa ng Circular – ang gagawa ng mga angkop na kasunduan sa mga Ufficio Immigrazione para sa isang pagpaplano ng naturang control partilular ang allocation sa mga Cie. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagsusulit, tinanggal ng PCG-Milan

Mula bonus bebè hanggang assegni familiari, ang handbook ng mga social benefits mula sa Asgi