in

Ilang produkto, binawi sa merkado!

Mahilig ka ba sa crostini dorati at crostini pizza? Narito ang isang babala.  

 

 

Pebrero 23, 2017 – “Huwag kainin at ibalik sa amin”. Ito ang anunsyo ng Pam Panorama sa publiko matapos tanggalin sa merkado at pilit na binabawi sa mga consumers ang sariling produkto.

Ito ay ang ‘Crostini Dorati’, gawa ng San Giorgio srl at Pam Panorama branded, dahil umano sa posibleng pagkakaroon nito ng non-food fragments na mapanganib sa kalusugan ng sinumang makakakain nito. 

Partikular, ang mga croutons number 045116 na may expiry date na 22/08/2017, number 020517 expiration date 02/10/2017 at number 050617 na may expiration date na 10/10/2017

Gayunpaman nananatiling hindi malinaw kung ito ay tumutukoy sa plastic o metal fragments.

Ang babala na ginawa mismo ng nabanggit na kumpamya para sa sinumang nakabili nito na huwag itong kainin, ibalik sa kanilang mga supermarket at magbibigay sila ng refund. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag ugnayan sa Pam Panorama sa numero 041 5495387 at 041 5495215.

Kaugnay nito, isa pang produkto ang tinanggal sa merkado at pinaghihinalaang may taglay rin na non-food fragments matapos maglabas ng babala ang Ministry of Health. 

Ito ay ang “Crostini Pizza”, gawa ng Ica Foods Spa, pag-aari ng San Giorgio at Cric Croc branded na may number 050417 at may expiration date na 30/11/2017.

Bibigyan ng refund ang bawat produtong ibabalik ng mga consumenrs kung saan man ito binili. 

Ang dalawang nabanggit na produkto ay parehong gawa sa Cazzago San Martibo Brescia. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Multi-purpose NBI clearance, malapit na

Edsa People’s Power 1, simple ang selebrasyon ngayong taon