in

Edsa People’s Power 1, simple ang selebrasyon ngayong taon

Ngayong taon ay simpleng gugunitain ang EDSA People’s Power 1 mula Pebrero 24 hanggang sa mismong araw ng paggunita sa okasyon.

 

Pebrero 23, 2017 – Simple lamang at hindi na magiging bongga ang inihandang selebrasyon sa paggunita sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People’s Power 1 o ang makasaysayang rebolusyon na nagpatalsik sa rehimen ng dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Pebrero 25, 1986.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Col. Edgard Arevalo, sa araw ng Sabado (Pebrero 25)  ay magsisimula ang selebrasyon sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio kung saan mag-aalay ng mga bulaklak na galing kay Pangulong Duterte na ilalagay sa puntod ng mga bayaning sundalo.

Samantala sa Biyernes ay magkakaroon naman ng ‘Catholic mass’ na gaganapin sa grandstand ng Camp Aguinaldo na susundan ng awarding ceremony sa mga piling bibigyan ng award at parangal mula sa military at civilian sectors na naging mahalagang bahagi ng EDSA Revolution 1. 

Magkakaroon naman ng People’s Power wreatlaying ceremony sa EDSA People’s Power Monument na pangungunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Samantala, maaari umanong ipagdiwang ng taumbayan ang EDSA People Power 1 anniversary sa kanilang sariling paraan upang mapanatiling buhay ang alaala nito, ayon kay Sen. Bam Aquino.  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang produkto, binawi sa merkado!

Virginia Raggi, isinugod sa ospital