in

Virginia Raggi, isinugod sa ospital

Isinugod sa San Filippo Neri hospital kaninang umaga ang alkalde ng Roma, si Mayor Virginia Raggi. 

 

Pebrero 24, 2017 – Ayon sa mga report, biglang sumama ang pakiramdam ng alkalde na naging dahilan ng pagsugod nito sa San Filippo Neri hospital, ang pinakamalapit na ospital sa tahanan ng alkalde, bandang alas 8:54 kaninang umaga. 

Sa emergency room ay mabilis na ginawa ang mga kinakailangang pagsusuri. Wala namang naitalang alteration at ang kabuuang kundisyon ay mabuti naman” – ayon kay Massimo Magnanti, ang responsabile ng ER ng nabanggit na ospital. Gayunpama, ang alkalde ay sasailalim pa rin sa regular na clinical at diagnostic analysis upang maitalaga ang kanyang paglabas sa mga susunod na oras”, dagdag pa nito. 

Kaninang umaga ay kasama ng alkalde ang ex-husband nito na nagbigay ng komunikasyon sa pamamagitan ng social network: “Para sa mga nagtatanong ng kalagayan ni Virignia, sya ay nasa mabuting kalagayan at sumasailalim sa iba’t ibang clinical control. Salamat sa inyong pag-aalala”. 

Si Virignia Raggi ay inaasahang dadalo sa isang press conference kaninang umaga sa Campidoglio. Hindi rin makakarating ang alkalde sa nakatakdang pulong ngayong hapon, bandang alas 4 ng hapon, kung saan tatalakayin ang usapin ukol sa Rome Stadium, na personal na sinusubaybayan ng alkalde. Ang kanyang pagdalo sa pagtitipon ay inaasahan dahil ang kinatawan ng Campidoglio, na dumalo sa mga huling pagtitipon ay sina Vice Mayor Luca Bergamo, Marcello De Vito at M5S party head Paolo Ferrara.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Edsa People’s Power 1, simple ang selebrasyon ngayong taon

EU Blue Card, ang kasunduan sa pagitan ng Viminale at Enel para sa mga highly skilled foreign workers