in

Matteo Salvini, kampi sa mga empleyadong nagkulong sa dalawang gypsies

Lider ng Lega Nord, nagpahayag ng pakikiisa sa mga empleyado ng Lidl na nagkulong sa dalawang gypsies at pagkatapos ay ipi-nost ito sa facebook.

 

Pebrero 24, 2017 – Nagbigay din ng pahayag maging ang lider ng Lega Nord ukol sa dalawang babae na ikinulong ng mga empleyado ng Lidl ng Follonica Grosseto sa pagbubungkal ng mga ito sa mga basurahan sa loob ng isang tila kulungang lalagyan ng mga basura.  

Isa sa mga empleyado ang nagsara ng pintuan nito habang ang isa naman ay nag-video kung saan makikitang pinagtatawanan ang pinagkaisahang mga gypsies. Samantala, disperadang sumisigaw ang isa sa dalawang babae at tila nasugatan pa sa kamay ito sa pagtatangkang makalabas. 

Umikot sa social media ang video at umani ng mga komento: ng galit at rasismo. Ang Lidl sa isang komunikasyon ay sinabing “walang kinalaman at labag sa prinsipyo ng aming kumpanya ang nilalaman ng video”. Ang kumpanya ay nagpahayag ng hindi pagsangayon sa ipinakitang pag-uugali ng mag empleyado nito at ipinaliwanag na “sinusuri ang mga pangyayaring nauugnay sa video at gagamitin ang mga nakalaang instrumento upang patawan ng angkop na kaparusahan”.  

Ang mga empleyado ay kasalukuyang suspendido sa trabaho at sila ay iniimbestigahan sa pagkidnap sa dalawa. 

Samantala si Salvini ay sumulat sa kanyang FB profile: Nakikiisa ako sa mga wrokers ng Lidl (sila ay aking attawagan ngayong araw na ito upang magbigay n gaming suporta, kahit legal support) at hindi sa mga “Rom Frugatrici” Sobrang makasigaw ang malas na ito???

“Io sto con i LAVORATORI (li contatterò già oggi per offrire loro tutto il nostro sostegno, anche legale) e non con le ROM “FRUGATRICI”. Ma quanto urla questa disgraziata??? #ruspa”

 Narito ang video. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EU Blue Card, ang kasunduan sa pagitan ng Viminale at Enel para sa mga highly skilled foreign workers

Senado, mas priyoridad ang paglaban sa iligal na migrasyon kaysa sa reporma ng citizenship