Ipinagpaliban ulit ng Constitutional Affairs Committee ang pagsusuri ng panukala (ddl) 2092, para sa pagsasabatas ng dektero Minniti. Ang Ikalawang henerasyon ay maaaring maghintay.
Roma, Pebrero 27, 2017 – Ano ang mas mahalaga at kailangan sa ngayon? Gumawa ng bagong sentro para sa mga irregulars o ang itigil na itratong dayuhan ang isang milyong kabataang ipinanganak at lumaki sa Italya?
Ang Constitutional Affairs Committee ng Senado ay may ibang priyoridad. Sa agenda ng committee ngayong linggo, muli ay walang lugar para sa reporma ng pagkamamamayan, kasabay sa pagsasabatas ng decreto 13/2017 ukol sa international protection at ang paglaban sa iligal na migrasyon, kung saan makikita ang mga senador at mga kasamahan nito sa Justice Committee.
Ang pagtatatag ng mga bagong repatriation center, ang pagtatanggal ng isang antas sa apila ng asylum seekers at ang ibang solusyon ng pamahalaan para sa emerhensya ay higit na nangingibabawa sa emerhensya ng ikalawang henerasyon, kung saan nagbitaw ng maraming salita at pangako ngunit nananatiling walang aksyon. Ang ddl 2092 ay nananatiling naka pending sa komite, kasama nito ang maraming susog na hindi kahit kalian man inilathala.
Ngunit ang reporma ay dapat sanang nasa Chamber na kung ang mayorya ay nagpasyang lampasan ang komite. Ngunit ang PD ay nagpaurong-sulong. Makikita sa ulat ng Unità kamakailan ang natakot na PD party leader na si Luigi Zanda, lalong higit ang takot sa M5S. Ngunit ang tunay na problema ay ang pagkakaroon ng ilang hindi sang-ayon sa reporma sa loob mismo ng mayorya.
Noong nakaraang Miyerkules ay muling hiniling ni PD president Matteo Orfini ang vote of confidence ukol sa reporma ng citzenship, ngunit nanatiling tahimik ang gobyerno habang ang Lega Nord at Forza Italia ay hindi nag-atubiling nag-ingay: “Kami ay gagawa ng barikada”. Higit na nag-alala ang ikalawang henerasyon sa no ng Area Popolare: “Mayroong ibang priyoridad”, ayon sa mga kaalyado ng PD at ito ay kumpirmado tulad ng inilathalang agenda nito.