in

Inps, humihingi ng carta di soggiorno para sa premio nascita

Ang batas ay hindi magbibigay ng limitasyon, ngunit ngayon ay inilathala ito sa pamamagitan ng isang circular. Kalahati ng mga Nanay na imigrante ang hindi makakatanggap ng ‘premio di nascita’. 

 

 

Roma – Hunyo 6, 2017 – Ang benepisyo ay hindi para sa lahat. Ang 800 euros na inilaan ngayong taon ng estado sa bawat Ina na magsisilang o mag-aampon ng bata ay matatanggap lamang ng mga dayuhang Ina kung mayroong carta di soggiorno

Ayon sa pinakabagong Stability law (l 232/2016), simula Jan 1, 2017 ay ibinibigay ang premio nascita o premio adozione sa menor, ang halagang 800 euros. Ito ay karagdagan sa kilalang bonus bebè “hindi kasama sa kalkulasyon ng kabuuang sahod ng pamilya” at samakatwid ay walang buwis at ibinibigay ng buo, matapos ang aplikasyon ng future Mom, pagsapit ng ika-7 buwan ng pagbubuntis o sa panahon ng pag-aampon. 

Wala ng idinagdag ang batas ngunit malinaw ang lahat. Tulad ng nasusulat, ang benepisyo ay dapat na ibigay anuman ang sahod, sa lahat ng pamilyang residente sa Italya, kahit dayuhan. Sa puntong ito ay kulang na lamang ang indikasyon kung paano magsusumite ng aplikasyon ang mga future Moms. 

Kahapon ang Inps, sa isang Circular kung saan nasasaad ang mga indikasyon na hinihintay ay binanggit ang mga bagong requirements upang matanggap ang benepisyo. Ito ay katulad ng requirements ng bonus bebè, na ilang beses ng itinuring na diskriminasyon ng hukom. 

Ang “premio di nascita” – tulad ng isinulat ng Inps – ay kinikilala sa mga kababaihang nagbubuntis o sa mga Nanay na nag-aampon na nagtataglay ng mga requirements katulad ng assegno di natalità na nasasaad sa Stability Law n. 190/2014 (art. 1, comma 125):

  • Residente sa Italya; 
  • Italians o Europeans, at mga non-Europeans mayroong refugee status at mayroong international protection;
  • Non-Europeans na mayroong EU long term residence permit o carta di soggiorno.

Ang Inps samakatwid ay hihingin ang carta di soggiorno sa mga dayuhan, na dahilan upang hindi matanggap ito ng marami. Ngunit kung hindi ito i-aatras, magtatapos muli sa hukuman at aani ng mga reklamo bilang isang diskriminasyon. 

 

Inps. Circolare n. 39/2017 “Premio di 800 euro per la nascita o l’adozione di un minore di cui all’articolo 1, comma 353 legge di Bilancio 2017, legge 11 dicembre 2016, n. 232, pubblicata sulla Gazzetta Ufficiale del 21-12-2016”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maternity at Big family Allowance 2017

Euthanasia, pataas ang bilang sa Italya