Coldiretti: Mas malaking bilang kumpara noong nakaraang taon at mas pinasimple ang pagpasok. Mula strawberries ng Veronese hanggang sa mansanas ng Trentino, maraming mga imigrante ang malaking bahagi na ng mga rural districts.
Marco 6, 2017 – 17,000 non-EU seasonal workers na maaaring mag-trabaho sa Italya ngayon 2017. Ito ang kinumpirma ng Coldiretti matapos aprubahan ang bagong decreto flussi na kasalukuyang ginagawa ang paglalathala sa Gazzette Ufficiale.
Ang pagbabago ngayong taon, ayon sa isang associazione di categoria (o association of prefessionals) ay ang pagtaas sa bilang ng mga entries o quota: mula 13,000 noong nakaraang taon sa 17,000 ngayong taon para sa pagpasok ng mga seasonal workers; mula 4,600 noong nakaraang taon sa 5.750 ngayong taon para sa conversion ng mga permit to stay mula stagionale sa subordinato. Ang huling nabanggit ay magpapahintulot sa mga kumpanya na higit na palalimin pa ang relasyon sa mga seasonal workers na taun taon ay bumabalik sa bansa sa pamamagitan ng decreto flussi stagionali.
Sa pagbibigay susog sa Testo Unico sull’Immigrazion, paalala ni Coldiretti, ay ginawang mas simple ang mga requiremenst para sa request ng multi-year working permit at ang proseso sa pagtanggap sa mga aplikasyon. Sa katunayan ay sapat na para sa dayuhan ang regular na pumasok sa bansa na mayroong seasonal permit to stay kahit isang beses sa limang taong nagdaan upang muling makapasok sa bansa. Ang mga aplikasyon sa hiring ay maaaring isumite online matapos ang paglalathala ng dekreto. Ang click day ay itatalaga hanggang sa katapusan ng taong 2017.
Sa agrikultura, ang mga non-EU seasonal workers ay magta-trabaho sa mga malakihang pag-aani ng mga pangunahing produkto para sa Made in Italy: mula prutas hanggang gulay, mula bulaklak hanggang sa wine pati na rin sa mga bukid.
Maraming mga “rural district”,ayon sa Coldiretti, kung saan ang mga imigrante ay bahagi ng economic at social life dito. Tulad ng pag-aani ng mga strawberries sa Veronese, ng mga mansanas sa Trentino, ng mga prutas sa Emilia Romagna, ng ubas sa Piemonte hanggang sa pangangalaga sa gatasan sa Lombardia.