in

Black Squadron, humakot ng medalya sa National Karate Tournament

Animnapu’t dalawang (62) medalya ang hinakot ng grupong Balck Squadron sa katatapos lamang na 2nd National Karate Tournament Italia.

 

Marso 8, 2017 – 21 gold, 22 silver at 19 bronze medals ang iniuwing medalya ng Balck Squadron sa ginanap na 2° Trofeo Karate Team Italia, sa Spoleto, Umbria nitong nakaraang Pebrero.

Lumahok ang 26 na team na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Italya kung saan ang higit sa 600 mga atleta ang nagpakitang-gilas at husay sa karate at naglaban-laban sa iba’t ibang kategorya.

Isa na dito ang grupo ng Black Squadron, na nagdala ng 28 atleta may edad mula 7 hanggang 45 anyos.

Tulad ng inaasahan, hindi nagpahuli ang Black Squadron. Sa katunayan, nasungkit ng grupo ang ikatlong pwesto sa 26 na karate organizations o teams na lumahok.

Katulad ng dati pukpukan ang ensayo. Dalawang beses sa isang linggo ang ginawang preparasyon ng mga lumahok. Bawal magpuyat at tama ang pagkain”, ayon kay Dante Atajar, 3rd degree blackbelter maestro at founder ng grupo.

Ako bilang maestro, inaasahan kong mananalo kami sa tournament na ito dahil nakikita ko sa mga bata ang kagustuhan nilang manalo at mai-represent ang atin bansa. Pero di ganito karaming medalya ang inasahan ko. Very proud ang mga manlalaro, lalong lalo na ang mga magulang na walang sawang sumuporta sa mga bata”, pagmamalaki ni Dante.

Bukod sa tagumpay na nakamit, tuloy-tuloy ang training ng grupo bilang  paghahanda sa isa pang nalalapit na karate tournament sa March 19, 2017 sa Isernia. Samantala, sa May 2017 ay isa na namang International Karate Tournament na gaganapin naman si Lasciani ang lalahukan ng grupo.

Ang aking mensahe sa mga bata bilang humahawak ng grupo ay magpatuloy lamang,  ‘wag mapapagod at malayo na ang kanilang narrating.  Ganoon din sa mga magulang, ma ‘wag silang mapapagod sumuporta sa mga bata”, pagtatapos ni Dante.

Ang Black Squadron Combat and Street Fighting Force ay mayroong 53 atleta sa kasalukuyan: 38 sa main branch sa zona Togliati at 15 naman sa Grottorosa/Cassia branch nito. Ang grupo ay itinatag noong June  2014. Layunin nito ang maturuan ang mga kabataan ng wastong displina at kung paano maipagtangol ang kanilang mga sarili sa oras ng pangangailangan.

Sa mga interesadong mag-aral ng karate, ang grupo ay  tumatangap mula edad 5 taon pataas.

List of Players

Master category – 36 to 45 years old
1. Cristito Garcia – kumite – 1bronze

Juniors category – 16 to 17 years old
Male
2. Kevin Peraz- kata and kumite – 2 golds
3. John Sache Del Rosario- kumite – 1 silver
4. Daniel Kerstian de Castro- kata and kumite – 2 silvers
Female
5. Hannah Mae Tominez – kata and kumite -2 silvers
6. Suzzane Jane Espina- kata and kumite – 2 bronzes

Cadetti category – 14 to 15 years old
 Male
7. Dhilan de Castroan- kata and kumite -2 golds & 1 bronze
8. John Angelo Duenas- kata and kumite- 2golds & 1 silver
9. Mark Terence Marcelino- kata and kumite -2 bronzes
10. Raphael Bermudez- kata and kumite – 1gold & 1 silver
11. Lhynon Rhom Catibog- kata and kumite -2 silvers & 1 bronze Female
12. Steffi Angelica Marcelino- kate and kumite -1 bronze
13. Eliza Ramirez Garcia – kata and kumite – 2 silvers
14. Megan Casanova – kata and kumite -2 golds ang 1 silver
15. Micah Monique Anonuevo – kata and kumite – 3 golds
16. Romelie Manuel Ebrado – kata and kumite -1 gold e 1 silver

Isordiente category – 12 to 13 years old
Male
17. Gemel Bermudez – kata and kumite -1silver & 1 bronze
18. Emanuele Toleos – kata and kumite – 2golds & 1 bronze
19. Leigh Justine Rosal Deomampo – kata and kumite – 1 gold & 2 bronzes
20. Jireh Angelo Buno – kata e kumite – 2 golds & 1 bronze Female
21. Alexandra Michaela Anonuevo – kate and kumite – 2 bronzes 22. Luisa Calinman – kata and kumite – 1 silver & 1 bronze

Speranze category – 10 to 11 years old
Male
23. Jericho Garcia – kata and kumite -2 golds & 1 silver
24. Kyle Peter Largado – kata and kumite -1gold & 2 silvers Female
25. Vittoria Toleos – kate and kumite – 2 silvers

Ragazzi category – 8 to 9 years old
Male
26. Ram Tominez – kata and kumite – 2 silvers
27. Christian Calinman – kate and kumite – 2 bronzes

Bambini category: 6 to 7 years old
Male
28. Cristian Dave Penaso – 2 bronzes

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

30,850, bilang na nakalaan para sa entries at conversion ng nalalapit na Decreto Flussi

OFW Center, proposal ng mga Filcom leaders sa Milan