Click days: March 20 para sa mga non-seasonal, subordinate at self-employed workers pati na rin ang conversion ng mga permit to stay, at March 28 para naman sa mga seasonal workers.
Ang Decreto Flussi 2017 ay ilalathala sa lunes, March 13 sa Official Gazette at ito ay magpapahintulot s apagpasok ng 30.850 entries para sa trabaho (halos lahat para sa seasonal) at conversion ng mga permit to stay. Kahit sa taong ito, ang aplikasyon ng mga kumpanya at mga foreign workers ay gagawin lamang online sa pamamagitan ng website ng Minsitry of Interior.
Simula March 14 ay maaaring simulan ang pagpi-fill up at pagsi-save ng mga aplikasyon para sa conversion ng mga permit to stay at para sa pagpasok ng mga non-seasonal, subordinate at self-employed workers. Kailangang maghintay hanggang March 20, ang ikapitong araw matapos ilathala ang dekreto, upang ito ay ipadala online. Simula March 21 naman ay maaaring ihanda ang mga aplikasyon para sa seasonal job at ang mga ito ay maaari lamang ipadala simula sa March 28, ang ika-15 araw matapos itong mailathala.
May panahon hanggang December 31, 2017 para sa pagsusumite ng mga aplikasyon. Ang mga ito ay susuriin batay sa chronological order ng pagsusumite nito.
Narito ang teksto ng decreto flussi 2017
Narito naman ang joint circular ng Minsitries of Interior at Labor kung saan ipinapaliwanag ang proseso sa pagpapadala ng mga aplikasyon.
Ang quota o bilang ng decreto flussi ay 30,850, at ganito ito hinati:
Bagong Entries
17,000 entries para sa mga seasonal workers na magtatrabaho sa sektor ng agrikultura at turismo (2,000 ng bilang na nabanggit ay nakalaan sa mga aplikasyon para sa mga multi-year seasonal work permit) na maaaring manggaling sa mga bansang Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, ex-Yugoslav Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine, Tunisia, Sudan. Samantala, hindi isinasaalang-alang ang citizenship ng sinumang nag-trabaho na sa bansa bilang seasonal worker sa nakaraan;
500 entries para sa mga non-seasonal job na sumailalim sa sariling bansa ng mga formation courses, batay sa artikulo 23 ng Testo Unico sull’Immigrazione;
100 entries para sa mga non-seasonal job o self-employment na mga Italian origins na residente sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil;
2,400 entries para sa self-employed workers.
Conversion
5750 conversion sa permesso per lavoro subordinato mula permesso di soggiorno per lavoro stagionale;
4000 conversion sa permesso per lavoro subordinato mula permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione;
500 conversion sa permessi di soggiorno per lavoro subordinato mula sa EU long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU countries;
500 conversion sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo mula sa permesso per studio, tirocinio e/o formazione;
100 conversion sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo mula sa EU long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU countries.