Ako ay nag-trabaho bilang colf ng maraming taon ngunit ako ay nawalan ng trabaho. Nais ko pong malaman ang proseso sa pag-aaplay at anu-ano ang mga requirements para makatanggap ng unemployment benefit o assegno di disoccupazione.
Ang mga nagtatrabaho bilang domestic worker o care-giver na nawalan ng trabaho ay maaaring makatanggap ng unemployment benefit na tinatawag na NASpl “Nuova Prestazione di Assicurazione Sociale per l’Impiego” (Circolare INPS n. 194 del 27/11/2015) at pagkatapos matanggap ito, sa pagkakaroon ng mga kundisyong itinalaga ng batas, ang tinatawag naman na Asdi o Assegno di Disoccupazione. Ang unang nabanggit ay isang “bagong unemployment benefit” para sa lahat ng mga lavoratori dipendenti na nawalan ng trabaho at ang ikalawa naman ay nakalaan sa mga manggagawang, matapos matanggap ang NASpi ay nananatiling walang trabaho.
Kabilang sa mga requirements upang matanggap ang NASpl, ay ang mga sumusunod:
1) Involuntary termination (licenziamento involontario) – Ipinapaalala na kung ang employer ay papipirmahan ang isang ‘lettera di dimissione’ ay hindi matatanggap ang NASpl. Sa katunayan, ang employer ang dapat na tinanggal sa trabaho sa worker (licenziamento);
2) Bayad na kontirbusyon na hindi bababa sa 13 linggo sa huling 4 na taon;
3) Nag-trabaho ng hindi bababa sa 5 linggo sa huling 12 buwan bago tanggalin sa trabaho.
Ang pagtanggap sa NASpl ay may kundisyong lumahok sa:
– Mga inisyatiba sa pag- kakaroon ng trabaho
– Mga trainings na alok ng Centri per l’Impiego at ng mga authorized at accredited offices.
Procedure at Duration
1) Bago magsumite ng application, ang empleyado ay dapat mag-report sa Employment Centre o Centro per l’Impiego upang ibigay ang kanyang immediate availability declaration o dichiarazione di immediata disponibilità sa trabaho upang matanggap ang “unemployment status”;
2) Ang application ng NASpl ay kailangang isumite online sa Inps sa pamamagitan ng website nito, www.inps.it (gamit ang personal pin) sa loob ng 68 araw mula sa pagtatapos ng trabaho, o maaaring lumapit sa authorized Caf o Patronato na magpapadala ng aplikasyon online.
3) Sa aplikasyon ay kailangang ilakip ang mga sumusunod na dokumento: ang registration sa Centro per l’Impiego, lettera di licenziamento, ang mga huling butse paghe, ang huling CUD at ang form SR163 para sa pagtanggap ng benepisyo.
Para sa bank accreditation, ay kailangang i-fill up ang form SR163, ang form ay maaaring i-download sa website ng Inps. Matapos itong kumpletuhin ng mahahalagang impormayson ay kailangang dalhin sa bangko o Poste para sa timbro.
Ang NASpl unemployment allowance ay ibinibigay buwan- buwan katumbas ng kalahati ng panahon ng bayad na kontribusyon sa huling apat na taon na trabaho ng aplikante hanggang sa maximum na 78 weeks; samakatwid kung ang colf sa huling apat na taon ay nakapagbayad ng 50 linggo, ang kanyang NASpl allowance ay 25 linggo, o ang kalahati ng panahon ng bayad na kontribusyon.
Sa pagtatapos ng pagtanggap ng NASpl, kung ang colf o badante ay hindi pa rin nakakita ng trabaho ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa Assegno di Disoccupazione ( Asdl) hanggang sa maximum na anim na buwan. Ang halaga ng Assegno di Disoccupazione ay katumbas ng 75% ng huling natanggap na NASpl, ngunit dapat tandaan na ang halaga ay hindi maaaring lumampas sa halaga ng assegno sociale.
Ang aplikasyon ng ASDI ay may parehong proseso sa pag-aaplay ng NASpl.
Upang magpatuloy ang pagtanggap ng unemployment allowance matapos ang NASpl, ay kailangang ang pagkakaroon ng mga sumusnod na kundisyon:
– Na ang colf o badante ay nananatiling walang trabaho sa pagtatapos ng Naspi;
– Ang ISEE ay hindi lalampas ng 5,000 euros
– Sa pamilya ay mayroong menor de edad, o mayroong may edad higit sa 55 anyos na hindi nakakatang- gap ng pensyon dahil sa kaku- langang sa requirements;
– Pumirma ng personalized project sa Centro per l’impiego;
– Hindi nakatanggap ng ASDI ng higit sa anim na buwan sa naunang 12 buwan bago matapos ang pagtanggap ng NASpi at higit sa 24 na bu- wan sa naunang limang taon bago magtapos ang NASpi.
Sa mga nais na makatanggap ng higit na impormasyon batay sa mga personal na sitwasyon ay maaaring magpadala ng email sa: info@studiosolorzano. it
ni: Avv. Fernanda Solorzano S.