Ang mga petsa sa pagpapadala online ng mga aplikasyon o click days. Ito ay hindi regularization!
Marso 13, 2017 – Kumpirmado. Ngayong araw ay inilathala sa Official Gazette ang Decreto Flussi 2017. Ito ay opisyal na nagpapahintulot sa kabuuang bilang na 30,850, para sa seasonal job entries at conversion ng mga permit to stay. Tulad ng unang inilathala ng akoaypilipino.eu, ay itinakda na ang mga petsa ng click days sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior.
Simula bukas, March 14, matapos ang mag-regsiter sa website, ay maaaring simulang sagutan ang application form para sa non seasonal job o ingressi non stagionali at para sa conversion o conversioni dei permessi di soggiorno. Matapos mag-fill up ay mangyaring i-save ang application form. Ito ay maaaring ipadala lamang simula alas 9 ng umaga ng March 20. Simula March 21 naman, sa parehong website ay maaaring sagutan ang application form ng seasonal job at ito ay maaaring ipadala online simula alas 9 ng umaga ng March 28.
Ang lahat ng uri ng application form ay maaaring ipadala hanggang Dec 31, 2017. Ang mga aplikasyon ay susuriin batay sa chronological order nito. Gayunpaman, inaasahan na ang bilang ay sasapat sa merkado.
Bukod dito, ay ipinapaalala na ang decreto flussi 2017 ay hindi isang regularization at hindi nagpapahintulot na mabigyan ng permit to stay ang mga undocumented na nasa Italya na tulad ng mga colf, operai o care givers.