in

Systematic control sa external Schengen borders, obligado simula noong April 7

Mula noong nakaraang Abril 7, 2017 ay obligado ang ‘systematic’ control sa external Schengen borders.

 

Roma – Mula noong nakaraang Abril 7, 2017 ay obligado ang ‘systematic’ control sa external Schengen borders. Sa katunayan ay ipinatutupad ang bagong anti-terrorism measures na inaprubahan ng European Union noong nakaraang March 15 kung saan nasasaad ang kinakailangang pagusuri sa mga dokumento ng mga taong papasok at lalabas ng Schengen area, bukod sa mga third country nationals.

Ang bagong batas ay para sa lahat, kahit sa mga mamamayan ng anumang Schengen country.

Hindi na sapat ang simpleng “visual inspection” mula sa mga frontier police: ang lahat ng dokumento ay kailangang suriing mabuti upang mapatunayan ang validity nito at  sasailalim rin sa pagsusuri sa tatlong iba’t ibang data base. Ito ay magaganap sa border control sa external frontier, pati na rin sa mga airports – halimbawa sa mga flight na lalabas mg European area na may free circulation (o vice versa). Ito ay para rin sa mga sasakay ng barko at papunta sa non-Schengen countries.

Pangunahing layunin ang hadlangan ang foreign fighters at ma-kontrol na rin ang migrasyon. Ang awtoridad sa katunayan, ay kailangang hingin ang dokumento, i-scan ang mga ito at sisimulan ang control sa pagpapadala sa 3 database: SIS o Schengen Informative System, database ng Interpol kung saan nakatala ang mga nawala at ninakaw na dokumento. 

Mula Croazia hanggang Switzerland, narito ang mga bansang sakop ng bagong batas.

Ang pagbabalik sa border control ay para sa mga bansang kasapi ng European Union ngunit hindi bahagi ng Schengen area. Halimbawa, sa frontier na naghihiwalay sa Slovania mula sa Croazia at ang sinumang nais na magpunta dito ay sasailalim sa pagsusuri ng dokumento dahil ang parehong bansa ay kasapi sa EU ngunit ang Croazia ay hindi bahagi ng Schengen. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Labanan ang Bossi-Fini law, hangad ng citizens’ iniziative!

Decreto Minniti, narito ang nilalaman