Upang maging mas mabilis ang proseso ng aplikasyon ng mga asylum seekers at ang mapamahalaan ang mga ito ng mas maayos ay inaprubahan ng gobyerno ang isang panukalang batas.
Ganap na inaprubahan kamakailan ng gobyerno sa botong 141- 97 – 2, ang panukalang batas decreto Minniti, na isinulong nina Ministers Marco Minniti at Andrea Orlando, na layuning mas mapabilis ang proseso ng aplikasyon ng mga asylum seekers at mas maayos na mapamahalaan ang mga ito.
Narito ang buod ng mga pagbabago sa pagtanggap sa mga refugees ng Italya.
• Repatriaton – Kapalit ng mga CIE (Centri di Indentificazione e Espulsione) ay magkakaroon ng mga bagong CPR o Centri permanenza per il rimpatrio, sa mga rehiyon, na may kabuuang bilang na akomodasyon para sa 1.600 katao. Inaasahang ang mga ito ay maitatayo sa labas ng urban centers at malapit sa trasportasyon. Ang mga CPR ay magiging pansamantalang akomodasyon ng mga dayuhang patatalsikin at pababalikin sa sariling bansa.
• Sapat na podo – Upang matiyak ang pagpapatupad sa repatriation ay naglaan ng 19 milyon euros.
• Eksperto sa mga korte – Magkakaroon din ng special hiring para sa 250 experts upang palakasin ang komisyon na sumusuri sa mga aplikasyon ng asylum seekers. Magtatatag rin ng 26 seksyon sa mga hukuman para sa imigrasyon at refugees.
• Nabawasan ang hearing – Mababawasan rin ang mga hearing pati na rin ang panahon sa pagkikilala ng refugee status mula 6 sa 4 na buwan.
• Tinanggal ang apela – Sa dekreto ay nasasaad ang esklusibong apela sa Korte Supreme sa loob ng 30 araw. Tinanggal ang apela sa mahistrado na nakatawag-pansin sa mga asosasyon at dahilan ng hindi pagsang-ayon sa loob ng majority sa gobyerno, mula sa mga deputies ng MDP.