“PANANAMPALATAYA AT KULTURA”, sapagkat ang ating kultura ay sumasalamin sa ating pananampalataya at ang pananampalataya ay isang daluyan at integrasyon ng kultura.
Roma – Ang pinakahihintay na Barrio Fiesta sa Roma ay nalalapit na!
Ang Barrio Fiesta ay maituturing na isang masayang pagdiriwang na nakaugat sa kultura, kasaysayan at pananampatayang Pilipino. Sumasalamin sa tradisyon at pananampalataya sa pamamagitan ng awit, sayaw, arte, kumpas, pinta, kasuotan, pananalita, paggalang, kaugalian at kasama ang paghahanda ng sarili at mga pagkaingtampok sa espesyal na araw. Budo dito, ito ay sumasalamin din sa kagandahang tampok sa isang lugar, na nakaugat sa kasaysayan at kinagawian.
Ito ay pinangungunahan ng Sentro Pilipino Chaplaincy Roma sa pamamagitan ni Fr. Ricky Gente, CS, at pakikipagtulungan ng Socio Cultural, Health at Sports Minsitry ng SPC sa pamamagitan ni Cynthia dela Cruz at ng Rome Events sa pamamagitan ni Luis Salle. Ang Spiritual Advisers ay sina Fr. Aris Miranda at Sr. Elizabeth Pedernal, MSCS.
Ang mga committees ay pinangungunahan naman ng mga head ng 5 Clusters (north, east, south, west & center) at ibang miyembro ng Rome Events.
Ang pangunahing layunin nito ay ang maisabuhay ng Migranteng Pilipino sa Roma ang diwa ng fiesta, maipakilala at maipamalas sa ikalawang henerasyon ng migranteng Pilipino at sa ibang lahi ang pagdiriwang na ito. Nagnanais din itong ipamalas ang kultura at ang ating pananampalataya bilang isang bansa, bilang isang Pilipino.
Ang tema bilang unang taon ay “PANANAMPALATAYA AT KULTURA”, sapagkat ang ating kultura ay sumasalamin sa ating pananampalataya at ang pananampalataya ay isang daluyan at integrasyon ng kultura.
At dahil ito ay isang pagdiriwang matutunghayan at mamamalas sa araw na ito ang:
- BANAL NA MISA at PRUSISYON,
- SPORTS (Volleyball, Basketball, etc)
- PARLOR GAMES – Maria Went to Town, Tug of War, Three leg race at iba pa
- BOARD GAMES – Ping-Pong, Chess, Dama, Dart
- BINGO
- PROGRAM – STREETDANCING, BATTLE of the BANDS, CHOIR Competition
- FASHIONISTA, pagpapakita ng iba’t-i bang mga tradisyunal na pananamit
- AWARDING at Pagkilala sa natatanging kaalaman sa mga laro o patimpalak.
- FOOD FAIR ang paghahain ng iba’t ibang uri ng pagkain. Dito ay matitikman ang iba’t ibang putahe, matamis at kakanin mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa abot kayang halaga.
Isang pagmamalaking nais ilunsad ay ang pagpapakilala sa Bansang Pilipinas ayon sa tatlong 3 kapuluan: ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ang programa ay mag-uumpisa sa isang banal na misa at prusisyon para sa pangkalahatang pasasalamat sa ating mga patron kung saan man tayo nabibilang.
Maaring sumali sa mga larong tradisyonal gaya ng three leg race, Maria went to town, tug of war, sipa-takraw, sa mga sports tulad ng basketball, volleyball, chess, at dart at volley. Maaari din makilahok sa paligsahan sa pag-awit ng koro kundiman singing contest, battle of the band atbp. na lalahukan ng iba’t ibang grupo maging civic at religious man.
Ang ibat-ibang palaro at paligsahan ay pwedeng lahukan ng mga individual o grupo na gustong sumali sa ano mang laro at paligsahang nabanggit. Sapagkat ito ay isang pagdiriwang, ito’y bukas para sa lahat: Pilipino man o ibang lahi individual, pamilya asosasyon, komunidad o grupong sibiko o mula sa iba’t-ibang relihyon at walang karampatang bayad ang mga dadalo maliban sa mga kalahok sa mga palaro.
Matutunghayan din natin ang tinatawag na “Food Fair” ang paborito ng lahat, na sinasabing walang fiesta kung walang pagkain. Ito ay kinabibilangan ng mga pagkaing tampok sa lugar at iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas.
Labat ng ito sa Abril 30, 2107 sa Pontificio Collegio Filippino, Via Aurelia 490 RM.