Narito ang standard procedure sa regular na pagpasok ng mga manggagawang dayuhan sa Italya, ayon sa Ministry of Interior. Parehong proseso ang sinusunod sa pagpasok sa bansa bilang seasonal worker.
I. Ang pag-aaplay ng nulla osta al lavoro
Ang aplikasyon ay ipinadadala online sa Sportello Unico per l’Immigrazione (o SUI) sa pamamagitan ng website ng Ministry on Interior ng employer na Italyano o ng dayuhang regular na naninirahan sa Italya.
Ang aplikasyon ay batay sa pangalan at nasasaad din dito ang proposed residence contract o contratto di soggiorno.
Ang Sportello Unico per l’Immigrazione, na nasa mga Prefecture ay ang tanggapang responsabile sa buong proseso ng hiring ng mga workers, seasonal, subordinate o self-employed man.
Ipapadala online sa Provincial Labour Office (DTL) at Questure ng SUI ang aplikasyong natanggap mula sa employer para sa mga pagsusuring kinakailangan para sa releasing ng nulla osta al lavoro.
II. Ang pagsusuri ng DTL
Tatanggapin online ng SUI mula sa DTL ang ginawang pagsusuri nito alinsunod sa mga probinsyon ng collective labor agreement at financial capacity ng employer, pati na rin ang availability ng quota.
III. Ang opinyon ng Questura
Samantala, hihingin din ng SUI sa Questura na alamin at suriin ang pagkakaroon ng mga hadlang ukol sa pagpasok at paninirahan ng dayuhan sa bansa pati na rin ang mga ukol sa employer.
IV. Ang releasing ng nulla osta al lavoro
Kung positibo ang resulta ng aplikasyon matapos ang mga pagsusuri, ang SUI sa loob ng 40 araw kung lavoro subordinato at 20 araw naman kung lavoro stagionale, mula sa pagsusumite ng aplikasyon ay magpapadala ng komunikasyon online sa employer ukol sa nulla osta at ito ay direktang ipapadala online (lakip ang codice fiscale) sa konsulado sa Pilipinas. Ang nulla osta per lavoro ay balido ng 6 na buwan mula sa issuance nito.
PAALALA: Sa puntong ito ay sasailalim din sa ‘verification’ sa POLO Italy.
V. Ang releasing ng entry visa
Ipagbibigay alam ng employer sa worker ang komunikasyon ukol sa nulla osta. Ito ay upang mag-aplay ng entry visa sa Italian embassy sa Pilipinas. Ang nabanggit na tanggapan ang magbibigay komunikasyon sa dayuhan ukol sa proposed residence contract at mag-iisyu ng entry visa matapos ang 30 araw mula sa aplikasyon. Ito ay ipagbibigay-alam din online sa Ministry of Interior, Ministry of Labor and Social Policies, Inps at Inail.
VI. Ang pagpirma sa residence contract
Ang dayuhang manggagawa ay paaalalahanan ng Italian Embassy na sa loob ng along (8) araw matapos makapasok sa Italya ay kailangang magtungo sa SUI upang pirmahan ang residence contract at ang aplikasyon sa first issuance ng permit to stay per lavoro. Ito ay ipapadala sa Questura sa pamamagitan ng Poste Italiane. Ang dayuhan ay pipirmahan rin sa SUI ang Integration Agreement na kinakailangan para sa releasing ng unang permit to stay na balido ng 1 taon.
Bashing rin:
Decreto flussi, paano mag-aplay ng nulla osta pluriennale?
source:
Ministry of Interior