in

“Igalang at sundin ang mga umiiral na batas sa Italya” – PCG Milan

“Igalang at sundin ang mga umiiral na batas sa Italya, partikular sa usapin ng ilegal na droga”. 

 

Milan – Isang mahalagang paalala sa lahat ng mga Pilipino sa Northern Italy mula sa Philippine Consulate General Milan. 

Pinapaalalahanan ang mga Pilipino na dapat igalang at sundin ang mga umiiral na batas sa Italya, partikular sa usapin ng ilegal na droga. 

Ang mga taong mahuhuling lumalabag sa batas ay maaaring maaresto, makulong at ma-deport. Ang parusa sa pagdadala, paggamit o pagbebenta ng ilegal na droga ay lubhang mabigat. Sinumang mapapatunayang nagkasala ay maaaring makulong mula anim (6) na buwan hanggang dalawampung (20) taon at magmulta mula 1,000 euros hanggang 260,000 euros alinsubod sa DPR 309/90, art. 73(1), 73(5)”, ayon sa paalala ng PCG Milan. 

Kasabay ng kampanya ng ating bansa na pagtugis sa paggamit at pagbebenta ng pinagbabawal na gamot, umaasa ang Konsulato ng Pilipinas sa pakikiisa ng lahat ng Ofs sa Italya sa pagtuligsa sa talamak na pagkalat ng ilegal na droga maging sa labas ng Pilipinas.    

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kumpiskado ang driver’s license sa unang paglabag pa lamang

“Mass repatriation ng mga ilegal na imigrante” – Bordonali (Lega):