Layunin ng programa na maging mas madali ang integrasyon at maging mas magaan ang paninirahan ng mga manggagawang Pilipino pati na rin ng kanilang mga pamilya sa Italya.
Roma, Abril 20, 2017 – Sisimulan sa Mayo ang libreng pre-departure Italian language course sa Pilipinas.
Ito ay nakalaan sa mga manggagawang Pilipino at kanilang mga pamilya na magpupunta sa Italya upang mag-trabaho at manirahan.
Bukod sa matutunan ang wika, layunin ng programa na makilala rin ang kulturang italyano upang maging mas madali ang integrasyon at maging mas magaan ang paninirahan ng mga manggagawang Pilipino pati na rin ng kanilang mga pamilya sa Italya na maaaring dumating sa bansa sa pamamagitan ng flussi at family reunification process.
Ayon sa anunsyo ng ANPAL Servizi, ito ay bahagi ng programang La Mobilità Internazionale del Lavoro, bilang unang resulta ng pinirmahang bilateral agreement ukol sa migrasyon at paggawa sa pagitan ng Italya at Pilipinas.
Ang kurso para sa A2 level ng italian language ay ibibigay ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA at magtatagal ng 150 hrs.
Para sa mga impormasyon ukol sa kurso, i-click lamang ito.