in

Servizio Civile Universale, itinalaga para sa lahat ng mga kabataan

Mula local ay pinalawgi ang Servizio Civile 2017 kung saan maaaring lumahok kahit ang mga kabataang mayroong foreign citizenship na regular na naninirahan sa Italya. Narito ang mga pagbabago.

 

Roma, Abril 28, 2017 – Para sa mga kabataang naghihintay ng  mga bandi o public competition ng Servicio Civile 2017, ay mahalagang isaalang-alang ang mga pagbabagong inilathala sa Official Gazette n. 78 nitong nakaraang April 3, 2017.

Bukas sa lahat ng mga kabataan mula 18 hanggang 29 anyos. Ito ang pangunahing pagbabago ng Civil Service 2017 na ngayon ay tinatawag na Servizio Civile Universale matapos itong italaga noong nakaraang Abril 18, 2017. Isang mahalagang oportunidad para sa social inclusion at cultural integration

Sa katunayan, bukod sa mga Italians at Europeans, bukas na rin ito kahit sa mga kabataang dayuhan na regular na naninirahan sa Italya. Sa ngayon, sila ay maaari ng lumahok sa mga public competition, katulad ng mga kabataang Italyano at Europeo, na hindi na kakailanganin pang lumapit sa hukom at magsampa ng anumang reklamo. 

Bukod sa pagiging general o universal nito, nasasaad din ang pagbabago sa oras at ang posibilidad ng pagbo-boluntrayo ng part-time: 25 hrs kada linggo ng mula sa 8 hanggang 12 buwan, sa loob ng 3 taon. Samakatwid, bawat kabataan na lalahok ay maaaring pumili ng duration na aangkop sa personal na pangangailangan upang mapahintulutan ang pag-aaral ng mga ito.

Ang mga boluntaryong kabataan, na itinaas pa sa 50,000 ang bilang ngayong taon, ay maaaring magbigay serbisyo sa iba’t ibang sangkay tulad ng: assistance at civil protection; natural, artistic at cultural heritage; education, cultural at sports promotion; social agriculture, biodiversity; peace, no to violence and non-armed defense promotion, human rights promotion, development cooperation; Italian culture promotion at Italian community support sa labas ng bansang Italya, partikular sa isa sa mga bansa ng EU hanggang tatlong (3) buwan.

Sa pagtatapos ng serbisyo bilang boluntaryo ay nasasaad ang pagbibigay ng sertipiko sa mga kabataan na magagamit sa anumang public competition at magpapahintulot sa anumang credits para sa mga pumapasok sa unibersidad.

Gayunpaman, tulad ng nasasaad sa legislative decree 6 march 2017 bilang 40, ang admission sa universal civil service ay hindi sapat na dahilan para sa extension ng validity ng permit to stay para sa mga kabataang mayroong foreign citizenship.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“We just don’t dance, we share love” – Infinity Love

Health assistance para sa mga undocumented minors, nilinaw