in

Application form ng bonus mamma domani, sa Mayo ilalabas

Ilalabas sa Mayo ang application form at ang mga requirements ng pinakahihintay na bonus mamma domani 2017.

 

Ito ay kinumpirma ni Inps General Director Gabriella Di Michele sa okasyon ng paglulunsad ng bagong website ng Inps kamakailan.

Ginagawa namin ang aming makakaya upang sa pagsisimula ng Mayo ay masimulan ang application online at sa kalahatian naman ng buwan ay masimulan ang pagbibigay ng benepisyo sa mga beneficiaries nito”.

Tatlong buwan mula ng aprubahan ang premio nascita, isang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 800 euros para sa mga nagdadalang-tao sa ika-pitong buwan, mga nanganak na at mga nag-ampon ay nananatiling wala pa rin ang opisyal na application form nito.

Gayunpaman, ang mga katanungan kung paano at anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay ay mabibigyang kasagutan lamang matapos ang paglalathala ng application form mula sa Inps.

Basahin rin:

Bonus “Mamma domani”, ano ito at sino ang kwalipikadong matanggap ito?

Inps, humihingi ng carta di soggiorno para sa premio nascita

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Health assistance para sa mga undocumented minors, nilinaw

Pangangalap ng pirma laban sa Boss-Fini law, sinimulan kahapon