in

Pangangalap ng pirma laban sa Boss-Fini law, sinimulan kahapon

Sinimulan kahapon ang pangangalap ng pirma sa makasaysayang May 1 concert sa Roma na pinangunahan ng Radicali Italiani at maraming organisasyon. 

 

 

Roma, Mayo 2, 2017 – Nagsimula kahapon sa makasaysayang konsiyerto ng Mayo 1 sa plasa ng San Giovanni sa Roma ang pangangalap ng pirma para sa citizens’ initiative bill Ero straniero – L’umanità che fa bene”. Layunin ng inisyatiba ang baguhin at ganap na mapalitan ang politika ng imigrasyon sa bansa. 

Ito ay pinangunahan ng Radicali Italiani sa pamamagitan ni Emma Bonino, Fondazione Casa della carità “Angelo Abriani”, Acli, Arci, Asgi, Centro Astalli, Cnca, A Buon Diritto, Cild, sa tulong ng malalaking asosasyon para sa imigrasyon tulad ng Caritas Italiana, Fondazione Migrantes e Sant’Egidio, kasama rin ang malawak na network ng labor union na sa kasalukuyan ay umabot na sa 100. 

Ang inisyatiba ay tumutukoy sa walong mga pangunahing puntos upang baguhin at ganap na mapalitan ang batas ng imigrasyon sa bansa partikular ang Bossi-Fini law at ang sistema ng pagpasok at paraan ng regularization ng mga dayuhan sa bansa. 

Ang mga pangunahing puntos ng citizens’ initiative ay ang sumusunod: 

  • pagkakaroon ng temporary permit to stay para sa paghahanap ng trabaho at maging mas madali ang worker-employer encounter at commercial mediation sa pagitan ng offer at demand tulad ng nasasaad sa Biagi law at Jobs Act (employment center, pribadong ahensya para sa trabaho, bilateral agency, mga unibersidad, at iba pa;
  • sponsor system na unang ginawa sa Turco Napolitano law;
  • Regularization batay sa indibidwal na sitwasyon ng mga undocumented, kung mapapatunayan ang pagkakaroon ng trabaho sa Italya o ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa bansa at kawalan naman nito sa sariling bansa, katulad sa Spain at Germany. Ang ganitong uri ng dokumento, permit to stay for proven integration ay renewable kahit sa kasong mawalan ng trabaho tulad ng permesso attesa occupazione. 
  • Posibilidad ng conversion ng permit to stay for asylum seeker sa permit to stay for proven integration kahit sa kasong rejected ito ngunit nagkaroon naman ng malalim na integrasyon sa lipunan;
  • Pagkakaroon ng bagong standard sa pagkilala sa professional qualification;
  • Pagtatanggal sa crime of clandestine immigration, partikular ang artikulo 10-bis ng legislative decree July 26, 1998 bilang 286;  
  • Mapakinabangan ang social security at pantay na pagbibigay ng social services at masigurado ang karapatan sa kalusugan:
  • Karapatang bumoto sa halalang lokal para sa mga mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno. 

Limampunglibong pirma ang kakailanganin sa loob ng anim na buwan upang ang citizens’ initiative ay mai-akyat at matalakay sa Parliyamento. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Application form ng bonus mamma domani, sa Mayo ilalabas

Pasko ng Pagkabuhay: Sinalubong ng Pinoy Youth in Pistoia ng One Day League