Sisimulan sa May 4 ang pagsusumite ng aplikasyon para sa bonus mamme domani 2017, ayon sa Circular ng Inps.
Mayo 2, 2017 – Sa pamamagitan ng Circular No. 78 2017 ng Inps ay sisimulan sa May 4 ang pagsusumite ng aplikasyon para sa bonus mamme domani 2017. Ang benepisyo, na nagkakahalaga ng 800 euros at nakalaang ibigay sa lahat ng mga future Moms na nasa ika-pitong buwan ng pagbubuntis at sa mga new Moms na nanganak o nag-ampon (adoption o legal custody) mula Jan 1, 2017.
Tulad ng unang inilathala, batay sa Circular ng INPS n. 61 ng 16/03/2017, ang bonus mamme domani ay ipagkakaloob lamang sa sinumang mula noong Enero 1, 2017 ay:
• nasa ika-7 buwan ng pagbubuntis;
• nanganak, kahit na sa simula ng ika-8 buwan ng pagbubuntis;
• nag-ampon ng menor de edad, national o international, sa pamamagitan ng final judgement of adoption ayon sa batas 184/1983;
• natanggap ang pre-adoptive custody alinsunod sa Art. 22, talata 6 ng batas 184/1983, o international pre-adoptive custody alinsunod sa art. 34 ng Batas 184/1983.
Sa tulong pinansyal ay maaaring mag-aplay ang mga nagdadalang-tao at mga nanay na nagtataglay ng sumusunod:
• residente sa Italya;
• Italyano o mamamayan ng EU member states;
• non-EU member state national sa pagkakaroon ng political refugee status at subsidiary protection
• non-EU nationals sa pagkakaroon ng EC long term residence permit o carta di soggiorno
Samantala, hindi binanggit ang required amount ng ISSE sa pag-aaplay. Ito ay nangangahulugan na ang bonus ay nakalaan sa lahat ng mga Nanay ng hindi isasaalang-alang ang ISEE.
Ang application ay maaaring isumite online sa Inps: via web, sa pamamagitan ng website www.inps.it gamit ang personal pin o sa pamamagitan ng pagtawag sa Contact Center sa numero 803164 mula sa landline o sa numero 06164164 para sa mga mobile phones o sa pamamagiatn ng tulong ng mga patronato.
Sa aplikasyon ay ilalakip ng mga future Moms ang medical certificate kung saan nasasaad ang inaasahang petsa ng panganganak. Maaaring magsumite ng original medical certificate o certified copy sa front office ng tanggapan o sa pamamagitan ng registered mail with return card o sa pamamagitan ng paglalagay ng protocol number ng online certificate na ibinigay ng medico di base o Asl.
Para naman sa aplikasyon matapos ang panganganak ay kailangang ilakip ang codice fiscale at ibang impormasyon ng sanggol. Samantala pagkatapos naman ng pag-aampon ay ang final judgement of adoption.
Kailangan ding ilakip sa aplikasyon ang EC long term residence permit ng mga non-EU national mothers.