Bagong sistema sa pagtanggap ng mga refugees, buwis ng mga permit to stay, Sanatoria, Decreto Minniti, Reporma ng Citizenship – ang mga tugon ng gobyerno.
Roma, Mayo 5, 2017 – Sa isang exclusive interview ng Stranieri in Italia, ay isinalaysay ni Undersecretary Domenico Manzione ng Ministry of Interior at Immigration Responsible ang mga tugon at aksyon ng gobyerno sa huling 4 na taon ng pamamahala sa imigrasyon.
Nagsimula si Manzione sa pamamagitan ng ilustrasyon buhat sa sinundang pamahalaan ng huling halalan noong 2013 ng kasalukuyang gobyerno: Malakas ang naging epekto ng Arab Spring sa pamamahala sa imigrasyon gayun din ang economic krisis sa employment ng mga residenteng imigrante, ang gobyerno ng Italya ay kinailangang gumawa at pumili ng mga mahihirap at hindi inaasahang desisyon na nagbigay daan sa bagong sistema ng pagtanggap, habang ang ibang hamon sa imigrasyon ay nananatiling isinasaalang-alang.
“Hinarap namin ang sitwasyon batay sa pangangailangan at available resources: operayson ng pagsagip sa Mare Nostrum, ang pagtanggap sa sinumang maaaring bigyan ng international protection. Ngunit aaminin ko na binigyan ng higit na pansin ang mga dumaong sa bansa kaysa sa mga naninirahan na sa ating bansa. Ang pagtanggap sa mga imigrante ay nangibabaw kaysa sa politika ng imigrasyon sa huling apat na taon”.
Ang bagong sistema ng pagtanggap
Noong 2014, si Undersecretary ay naging ‘utak’ ng bagong sistema ng pagtanggap sa mga asylum seekers sa Italya. Noong una ay walang anumang kasunduan sa pagitan ng estado, rehiyon at lokal na pamahalaan para sa pamamahala ng imigrasyon.
Ang kasunduan noong 2014 ay lumikha ng isang matatag at structured plan. “Una sa lahat ay ang empower- ment ng estado at ng local authorities dahil ang problema ay sumasakop sa lahat, malinaw na ang pamamahala sa hinaharap na suliranin ay nakabalikat sa lahat ng institusyon ng bansa – paliwanag pa ni Manzione – Ang ikalawa ay ang pagtatanggal ng malaking bilang sa mga centers na hanggang sa ngayon ay nagbigay lamang ng problema at hindi naging solusyon tulad ng inaasahan at samakatwid ang malinaw na hangarin ay gawing mas malawak na pagtanggap”.
Gayunpaman, ayon kay Manzione, ang mas malawak na pagtanggap ay nangangahulugan rin ng paglalagay ng limitasyon. “Ang pangunahing limitasyon ay para sa mga rehiyon dahil ang desisyon ay sa pamamagitan ng mga kriteryo sa pamamahagi ng social funds. Ito ay ang ipamahagi sa buong bansa ang itinakdang bilang na angkop sa social funds pati na rin bilang ng mga taong dumaong sa bansa. Ito ay nagpahintulot na maiwasan ang bigat sa pagharap ng problema”.
At upang higit na mapadali ang pamamahagi ng mga asylum seekers sa mga Comune, ay nagkaroon ng kasunduan sa Associazione Nazionale Comuni Italiani (ANCI) na nagsasaad ang pagbibigay ng maliliit na in- sentibo para sa organisasyon na nais na tularan ang Sistema na tinatawag na Sistema di Protezione per Richiedenti Asilo e Refugiati (SPRAR). “Ito ay proyekto ng third sector na may kasunduan sa Comune na bukod sa nagbibigay ng garantiya ng mas mahusay na pamamahala ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa posibileng integrasyon”, dagdag pa ni Manzione.
Sa kabila ng magandang hangarin, ang bagong sistema ay humarap din sa maraming hadlang. “Habang sinisimulan ang bagong sistema, naging pangunahing hadlang ay mabilis na pagdami sa bilang at bilis sa pagdating ng mga imigrante. Para sa isang sistema na sinisimulan pa lamang, ang malaking bilang ng mga pagdaong ay hindi nakatulong bagkus ay nagpabilis sa sistema sa paraang hindi naging positibo”.
Noong inilunsad ang bagong sistema tatlong taon na ang nakakalipas, ang bilang ng mga imigrante ay halos 25,000 kung saan ang 9,000 nito ay nasa ilalim ng sistema ng SPRAR.
„Sa ngayon ay mayroong halos 176,000 imigrante sa mga centers. Ang bilang ng nasa sistema ng SPRAR ay tumaas din ngunit nasa 30,000 lamang at ang iba ay nasa additional centers na lamang”.
Ang gobyerno ay patuloy na naki- kipaglaban upang mabigyang lunas at maipasok lahat sa sistema ng SPRAR. “Ngunit dahil ito ay base sa kusang-loob ng mga Comune, kami ay patuloy na magbibigay ng magagandang insentibo upang ang mga Comune ay tanggapin ang proyekto, at normal na pagiging tuluy-tuloy na operasyon sa mga lugar na ito”.
Kasabay nito, sa mga taon ng matinidng krisis, libu-libong mga imigrante rin ang nawalan ng trabaho at samakatwid ng mga permit to stay. Marami ang nananatili pa rin sa Italya ngunit napipilitang magtrabaho ng nero (irregular o undeclared).
“Sa kabila ng alam ang bigat at lalà ng sitwasyon, hindi pa tamang panahon para pag-usapan ang sanatoria o regularization dahil marahil ay walang sapat na bilang sa parliyamento” dagdag pa ni Manzione.
“Kinikilala namin ito bilang isang tunay na suliranin – paliwanag ni Manzione – ito ay aming pinag-usa- pan kasama ang mga labor unions at aming pinag-aaralan ang umiiral na regulasyon at ang posibilidad na extension ng mga permit to stay para sa sinumang nawalan ng trabaho at malinaw na naghahanap ng panibagong trabaho”.
Ang buwis ng mga permit to stay
Ang European Court of Justice ay nagpahayag noong nakaraang Setyembre 2015 at sinabing hindi naaayon sa batas ang dekreto na nagpapataw ng buwis sa mga permit to stay dahil ito ay “hindi angkop at labag sa layuning integrasyon at pagbibigay ng mga karapatan”.
Ang Council of State, sa hatol bilang 04487 ng Oktubre 26, 2016 ay pinawalang-bisa nag dekreto ng Ministry of Economy and Finance ng Oct 6, 2011, sa bahaging nasasaad ang obligasyong bayaran ang buwis mula halagang € 80 hanggang € 200 para sa releasing at renewal ng permit to stay at kinumpirma ang nilalaman ng hatol ng TAR o Lazio Regional Administrative Court noong Mayo 24, 2016.
Noong nakaraang Pebrero 16 ay tinanggap ng Naples Court ang isi- nampang reklamo ng isang pamilyang Burkinabe at sinabing dapat ibalik ng gobyerno ang bahagi ng buwis para sa renewal ng dokumento.
Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 50,000 ang mga request of reimbursement sa gobyerno.
Ibabalik nga ba ng gobyerno ang labis na halagang ibinayad na buwis ng permit to stay sa mga imigrante o kakailanganing lumapit sa mga hukom?
Narito ang tugon ni Undersecretary:
“Ang gobyerno ay hindi awtomatikong ibabalik sa mga imigrante ang ibinayad na buwis dahil sa isang simpleng dahilan. Ang ideya sa likod ng buwis na ito ay: kayo ay magbabayad ng buwis sa estado para sa permit to stay, ako bilang gobyerno ay ibibigay ang bahagi nitong pondo para sa repatriation. Ang European Court ay sinabing ito ay labis ngunit hindi sinabing ang permit to stay ay hindi kailangang bayaran”.
Sa madaling salita, ang pamahalaan ay hindi kakayaning ibalik ang ibinayad na buwis dahil sa isang kumplikadong sitwasyon – dahil sa maliit na funds na mayroon ang bansa sa kasalukuyan, ayon kay Manzione. Ngunit ang tunay na suliranin ay ang bahaging normatiba nito.
“Sa aking palagay, upang magawan ng anumang hakbang bilang solusyon ay kakailanganin ang isang batas na isasaalang-alang ang papel ng mga Questure at masigurado ang pagsunod sa naging hatol ng European Court”.
Binigyang diin ni Usec na ang hatol ay hindi ganap na nagtanggal sa buwis ng permit to stay, ngunit nagbigay ng pamantayan na kailangang isaalang-alang ng Parliaymento. “Kailangang magtalaga ang Parliaymento ng ang- kop na halaga para sa renewal ng permit to stay”, pagtatapos ni Manzione.
Minniti Decree
Noong Abril 12, sa Chamber of Deputies ay inaprubahan ang Minniti Decree. Ito ay naglalaman ng mga kinakailangang hakbang upang mapabilis ang proseso sa pagbibigay ng international protection gayun din ang paglaban sa iligal na migrasyon.
Ayon kay Manzione, sa pamamagitan ng Decreto Minniti ay “sinusubukang mapabilis ang proseso sa pagkilala sa mga asylum seekers at refugees”.
Kumbinsido naman si Usec na ang bagong Sistema ay magpapabuti sa kalidad ng desisyon sa pagbibigay ng refugee status. “ Ang gobyerno, partikular ang Ministry of Justice ay tumutok hindi sa mga kritiko sa pagtatanggal ng isang antas sa pagbibigay ng hatol bagkus sa paghahambing ng pagbabagong ihahatid nito sa uri at kalidad ng desisyon dahil sa napapaloob na pagkakaroon ng mga specialized judges na esklusibong hahawak nito” – paliwanag ni Manzione.
Nagtakda ang Ministry of Justice ng specialized section sa bawat distrito ng court of appeal at sinisigurado ang kolaborasyon sa bawat desisyon. Ang bagong organisasyon mula sa Legge 46 ay magbibigay buhay sa bagong 26 na saksyon simula Agosto 2017.
Sa kabila nito ang bagong dekreto ay patuloy na tumatanggap ng matinding batikos mula sa mga organinsasyon na tumutulong sa imigrasyon at pinaniniwalaang ito ay ukol sa seguridad. Ito ay hindi sinasang-ayunan ni Manzione bagkus ay sinabing: “ang dekreto ay hindi ukol sa seguridad. Sa aking palagay ay mayroong hindi pagkakaunawaan. Ang dekreto ay nagtakda ng ilang konsepto na pinaniniwalaan kong aming pinagkasunduang lahat. Ang hindi pagkakaunawaan ay higit sa paraan kung paano magkakaroon ng mga resulta dahil ang unang layunin ay ang pagkakaroon ng mabilis na desisyon. Sa simula pa lamang ay aming napansin na ang proseso sa pagbibigay ng refugee status ay napakahaba. Isang obserbasyon na pareho sa lahat ng partido ay ang sinumang may karapatan ay maaaring manatili at ang sinumang walang karapatan ay normal na dapat pabalikin sa sariling bansa”.
Reporma sa Citizenship, nananatiling priyoridad ng gobyerno?
Para naman sa reporma ng pagka-mamamayan para sa mga anak ng mga imigrante na naka-pending sa Senado ng matagal na, ay sinabi ni Usec na ang reporma ay nananatili umanong priyoridad ng gobyerno at ipinaliwanag kung bakit ito naka-pending sa Senate.
“Ang batas sa citizenship ay kasalukuy- ang naka-pending sa Senado dahil iniiwa- sang ito ay maging tema ng diskusyon ng dalawang mahalagang kampanya ng bansa, ang huli ay ang referendum. Inaasahan ko na sa pagtatapos ng diskusyon ng susunod na administrative election ay maibalik ang diskusyon ukol sa citizenship act. Ang naging kasunduan sa Lower house sa pagitan ng ilang miyembro ng majority ay inaasahan pa din upang ganap na aprubahan ito sa Seando, at personal kong inaasahan ito sa lalong madaling panahon”.
Higit na proteksyon ng mga unaccompanied foreign minors
Si Manzione ay nagkaroon ng pangunahing papel upang maaprubahan ang batas para sa higit na proteksyon ng mga unaccompanied minors at ipinagmamalaki niya ang resulta nito. “Ang mga pangunahing puntos – ayon kay Usec – ay ang pagkilala sa mga guardians na babantayan upang masigurado ang karapatang panato ng mga menor de edad, ang pamamaraan sa pagtataguyod ng edad ng menor, karapatan sa edukasyn, kalusu- gan at paglaki hanggang sa integrasyon”.
Bilang pagtatapos ay inanunsyo ni Usec ang nalalapit na inisyatiba sa Mayo.
ni: Stephen Ogongo Ongong’a