in

Federfil – Europe, inilunsad

Europe extension ng Federfil-Italy inanunsyo sa ginanap ng General Assembly of Regional Officers. 

 

 

Mayo 8, 2017 – Makalipas ang anim na matatagumpay na mga taon, ay inilunsad ang Europe expansion ng Federfil-Italy sa ginanap na General Assembly of Regional Officers sa Roma nitong nakaraang Abril.

Ito ay dinaluhan ng mga kasalukuyang opisyal at miyembro mula Regione Lazio (Roma, Abruzzo, L’Aquila); Regione Campagna (Napoli, Caserta,Salerno,Avellino, Benevento); Regione Sicilia (Catania, Palermo, Messina); Regione Calabria and Catanzaro; Regione Piemonte; Regione Liguria (Genova) at Toscana (Firenze, Empoli,Pisa).

Bukod sa napakahalagang anunsyo, layunin rin ng assembly ang paghihirang ng mga bagong opisyales ng pederasyon: una ang national election at ikalawa ang pagkakaroon ng Adhoc Committee para sa Federfil-Europe ng grupo.

Buong-pusong tinanggap ng mga bagong halal ang kani-kanilang tungkulin matapos ang maayos na halalan na pinangunahan ng Federfil-Italy Executive Body. 

Sinundan ito ng oath taking sa pamumuno ni Vice Consul Theodore Andrei Bauzon at Vice Consul Candy Cypress mula Philippine Embassy to Italy, kasama ang mga Legal Consultants na sina Avv. Alessandro Rombola at Consultant Dott. Vladimiro Barberio.

Pasasalamat sa lahat ng mga Officers na nagbigay ng kanilang dedikasyon at oras para sa tagumpay ng Federfil Italy  sa loob ng anim na taon. Para naman sa mga newly elected Officers na haharap sa bagong mga hamon, sama-samang nating sundin ang ating slogan na One Word,One Action para sa higit na ikabubuti ng pederasyon sa Italya at Europa”, ayon kay Ariel Lachica ang bagong halal na Chairman of the Board.

Ang presenya sa araw na ito ng mga panauhin ay naging mahalaga rin sa pormal na pagtitibay sa bagong Constitution and Bylaws (CBL) ng Federfill-Europe.

Ang bansang Spain ang kauna-unahang Country Member ng Federfil-EU. Nalalapit na rin ang pormal na pagiging bahagi ng mga bansang Dublin at Poland. 

Bago tuluyang magtapos ang araw na punung-puno ng aktibidad para sa pederasyon ay inanusyo ang ikatlong taon ng OFW-Awards 2017 na gaganapin sa Catania sa Septyembre ngayong taon.

Matatandaang unang binigyang-parangal ang mga Pilipino sa iba’t-ibang larangan at sektor noong 2015 sa Roma at noong nakaraang taon sa Milan.

Maaari ng mag-nominate mula sa Europa. Kung sinuman ang mayroong kaibigan, kakilala o kamag-anak na karapat-dapat tumanggap ng parangal ay pinahihintulutan na ng revised mechanics ng OFW awards”, anunsyo ng bagong chairman. “Kailangan lamang ay ang umattend sa Catania Sicily sa September”, dagdag pa nito.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang website www.federfil.it o Fb account: Federation of Filipino Communities and Associations in Italy o mangyaring mag-email lamang sa lachicaariel89@yahoo.com.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-5 Anibersaryo ng San Nicolanians of Lombardy

Inter-Organizational Bowling Tournament sa Milan