in

TUMBUKAN 9-BALL CHALLENGE:Pagsaklolo ng Guardians International 1st Legion Rome City sa Modesto Acob Memorial School, Baco Oriental Mindoro

Mabilis na tugon ng Guardians International 1st Legion Rome City sa pakikipagtulungan ng GI-1st Legion (National), GI-1st Legion (Vatican City), GI 1st Legion (Montecatini Terme) at ASFIL-Roma nsa pamamagitan ng isang torneo ng 9-Ball Challenge sa Roma.

 

Roma – Noong ika-15 ng disyembre 2015, ang bagyong Nona ay nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Sa loob lamang ng ilang oras, binaha ang maraming lugar na naging dahilan ng pagkasawi at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino pati na rin ang pagkasira ng ibang gusali at mga paaralan.

Ang Baco, Oriental Mindoro ay isa sa mga napinsalang lubos ng mga nakaraang bagyo. Hindi pa lubos na nakakabangon ang nasabing lugar sa pinsalang dulot ng kalamidad ay sinalantang  muli  ng  iba pang mga sumunod na bagyo ang bahaging ito ng bansa na nagdulot ng mas malubhang pang pinsala na hindi pa nabibigyan ng kaukulang solusyon hanggang sa kasalukuyan.

Maraming mga gusali ang nasira,  at ang iba kung hindi man nasirang  tuluyan, ay masasabing hindi na rin mapapakinabangan at magagamit ng maayos. Isa sa mga lubhang napinsala ay ang mga paaralan sa Baco. Gustuhin man ng mga taong maitayong muli sa lalong madaling panahon ang mga paaralan, hindi nila ito masakatuparan dahil sa kakulangan ng tulong pinansayal. Isa sa mga napinsalang lubos ay ang Modesto Acob Memorial  School ng Bangkatan, Baco, Oriental Mindoro, na humingi ng tulong sa Guardians International 1st Legion Rome City. Layunin ng istitusyon na ayusin ang mga bubong at kisame ng 7 gusali ng kanilang paaralan para sa mas ligtas na mga silid-aralan para sa kanilang 262 mga magaaral mula kindergarten hanggang ika-6 na baitang. Sa ngayon ang kanilang mga gusali ay walang maipapangakong seguridad para sa kanilang mga estudyante at mga guro. 

Kinakailangang mapalitan ang mga bubong ng mga silid-aralan na unti-unting bumabagsak dahil lubos na napinsala ng bagyo, at ang mga natirang maayos pa ay sinisira ng mga anay. Walang ibang solusyon sa problema kundi ang palitan ng tuluyan ang mga bubong ng nasabing paaralan. 

Mabilis ang naging tugon ng Guardians International 1st Legion Rome City sa pakikipagtulungan ng GI-1st Legion (National), GI-1st Legion (Vatican City), GI 1st Legion (Montecatini Terme) at ASFIL-Roma na pinangungunahan ni Teddy Perez   na nag-organisa ng isang torneo ng 9-Ball Challenge noong ika-23 ng Abril sa Via Peveragno,100 Boccea, Roma. Marami ang nakiisa sa nasabing torneo. Nagkaroon ng pagkakataon ng magkita-kitang muli ang mga magkakaibigan para sa isang partikular na “jamming session”. Partikular dahil hindi lamang sila nagkatipon-tipon para magpalipas  ng oras bagkus para magkaisa na tulungang bumangon ang Modesto Acob Memorial School. Dahil sa tulong pinansyal na ito, isang bagay ang tiyak na nasa puso at isipan ng mga mag-aaral ng M. Acob M/S:  Pagkatapos ng unos, sisikat ang araw, dala ay bagong pag-asa. Sa pakikipagtulungan ng Legion ng K2BL sa Baco, ipaparating ng Rome Legion ang nalikom na pondo sa lalong madaling panahon.

Taos pusong pasasalamat ng organisasyon sa lahat ng mga  isponsor, sa mga nakiisa sa inisyatibong ito at congratulations sa mga nanalo.

 AMATEUR:

1.  Teodoro “Pcgs Amor” Evangelista

2.  Wilson “Gmf Indiano” Umali

3.  Severino “Rmg Stallion” Maderazo

4.  Ricky “Rmg Hacker” Mangarin

5.  Ranie “Rmg Cuorelli” Almonte

6.  Tomas “Rmg Totsie” Evangelista

7.  Joseph “Rmg Babsie” Evangelista

8.  Dionisio “Rmg Eunice” Albor

9.  Florentino “Rmg Abong” Anonuevo

10. Arturo “Nf Art” Belarmino

11. Gerremie “Pcgs Jam” Gusto

12. Gilbert Inocencio

13. Salvador Agena

CLASS A/B

1.  Ernesto “Rmg Bhong” Valdez

2.  Semion “Rmg Cems” delos Reyes

3.  Frederick “Rmg Queen” Mantilla

4.  Mc Aurelius “Rmg M-Jack” dela Cruz

5.  Catalino Manuel

6.  Paolo Alteza

7.  Nestor Licud

8.  Joseph Delin

9.  Eduardo Contreras

10.Hadji

AMATEUR

Pcgs Jam Gusto…………….Champion

Wilson “Gmf Indiano Umali….2nd Place

Ricky Mangarin. ………………..3rd Place

CLASS A/B

Mc Aurelius dela Cruz……Champion

Joseph Delin…………………2nd Place

Nestor Licud…………………3rd Place

 

ni: Quintin Kentz Cavite, Jr.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Inter-Organizational Bowling Tournament sa Milan

Schengen treaty, pansamantalang suspendido sa Italya