in

Primary Health Care Training, pinangunahan ng Filipino-Italian Nurses Organization

Primary Health Care Training ang unang inisyatiba ng katatatag lamang na Filipino-Italian Nurses Organization, sa pakikipagtulungan ng COFILMO at FEDAFILMO.

 

Hunyo 5, 2017 – Kasabay ng patuloy na paglaganap ng ispiritu ng volunteerism sa komunidad, isang bagong grupo ang muling nabuo sa Modena Italy. Ito ay ang Filipino Italian Nurses Association. 

Layunin ng kabubuo lamang na grupo ang magbigay ng dagdag kaalaman ukol sa wastong pag-aalaga sa employer, lalo na kung may kapansanan ang mga ito. 

Sa katunayan, isang napakagandang proyekto ang isinagawa kamakailan ng nasabing grupo sa pamumuno ng kanilang Presidente na si Ms. Annette Sta Ana, sa pakikipagtulungan nina Mr. Consorcio Amado COFILMO President and Mr. Gregorio Mendoza FEDAFILMO President. 

Ito ay ang Primary Health Care Training kung saan tinalakay ang mga mahahalagang topics partikular ang Personal Hygiene, Bed bath, Body Mechanics, Bed making, Vital Signs and Bed Sores. Nagkaroon din ng demontrasyon sa tulong ng mga myembro na nasabing organisasyon. 

Ang pagdami sa bilang ng mga manggagawa sa Italya ay nangangahulugan ng higit na kompetensya sa paghahanap ng trabaho at nakakatuwang isipin na mulat ang kaisipan ng marami upang makatulong na mapaunlad ang kakayahan sa sektor na ating ginagalawan. Ang mga Pilipinong ay karaniwang nagta-trabaho bilang badante o caregivers kung kaya’t kapaki-pakinabang ang ginanap na training hindi lamang para sa kanilang mga employers bagkus para na rin sa kanilang mga sarili bilang mga tagapag-alaga. 

Ang inisyatiba ay dinaluhan ng 54 mga Pinoy mula sa Modena Italy. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dichirazione dei redditi 2017: Narito ang mga uri nito at mahahalagang petsa

Kontrolin ang mga colf at caregivers sa pamamagitan ng video surveillance? Nilinaw ng Inail