in

Violet flower, bagong emoji sa social network

Mula kahapon Biyernes, May 12 ay pansamantalang makikita ang bagong emoji sa social network. Ito ay nangangahulugan ng pasasalamat. 

 

Mayo 13, 2017 – Ang violet flower na ito ay unang nakita noong 2016. Muli ay ibinalik sa social network at makikitang nakahanay sa ikatlong lugar ng mga reactions ng pinakatanyag na social network. Ito ay munting handog ni Mark Zuckerberg sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina.

Ang provisory reaction, nangangahulugan ng pasasalamat “thankful” ay nakalaan sa okasyon ng Araw ng mga Ina, na ipagdiriwang sa higit sa 80 bansa sa buong mundo. 

Sa okasyon ng Araw ng mga Ina ay hinahamon namin ang lahat mula sa iba’t ibang panig ng mundo na piliin ang isang munting bulaklak bilang reaction”, ayon sa social network.

Ito ay hindi lamang sa wall ng facebook bagkus ay matatagpuan din pati sa Messenger sa pamamagitan ng isang gif animated. 

Gayunpaman, sa ilang bansa ang violet flower ay activated lamang ng 24 oras para sa pagdiriwang ng nabanggit na okasyon. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kontrolin ang mga colf at caregivers sa pamamagitan ng video surveillance? Nilinaw ng Inail

Ang hiring sa domestic job batay sa updated CCNL 2017