Aking nabalitaan na ibinalik na ang kontribusyon sa releasing at renewal ng mga permit to stay simula noong June 10, 2017. Magkano po ang dapat babyarna ngayon?
Roma, Hunyo 12, 2017 – Matapos ang pagtatanggal sa buwis simula noong Oktubre 27, 2017 ay binabayaran ng bawat imigrante ang kabuuang halaga ng 76.46 euros para sa releasing o renewal ng kanilang mga permit to stay: 30,46 euros printing ng electronic residence permit; 16 euros para sa revenue stamp; at ang 30 euros sa Poste Italiane para sa serbisyo ng pagtanggap at pagpapadala ng kit sa Questura sa pamamagitan ng mga counters nito, batay sa kasunduan na pinirmahan ng Ministry of Interior halos sampung taon na ang nakakalipas.
Bukod sa nabanggit, batay sa Joint Circular n. 131 ng mga Ministries of Economy and Finance at Interior, ay itinalaga ang bagong halaga ng kontribusyon. Narito ang dapat bayaran ng mga migrante sa releasing at renewal ng mga permit to stay simula nitong June 10, 2017:
- 40,00 + 76.46 euros – ang halagang dapat bayaran ng sinumang magre-request ng releasing at renewal ng permit to stay na may validity ng higit sa 3 buwan at mas mababa naman ng isang taon;
- 50,00 + 76.46 euros – ito ang halaga ng kontribusyon na dapat bayaran ng sinumang magre-request ng releasing at renewal ng permit to stay na may validity ng higit sa 1 taon at mas mababa o katumbas ng dalawang taon;
- 100 + 76.46 euros – ito naman ang halaga ng kontribusyon ng sinumang magre-request ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno.