in

Illegal drugs campaign ng AGAD, sinuportahan ng PDEA

Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, pinaunlakan ang imbitasyon ng AGAD sa tulong ng Philippine Consulate General Milan.

 

Milan – Mula ng pormal na pinasinayaan noong December 2016 ang binuong grupo ng filipino community sa Milan Italy laban sa ipinagbabawal na droga na binansagang Action Group Against Drugs o AGAD, ay nagkaroon ng dalawang importanteng pagpupulong ang mga kasapi nito kung papaano sisimulan ang adhikain nito. 

Napagpasyahan ng AGAD ang pag-anyaya ng resource persons mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at pinaunlakan naman ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang imbitasyon ng AGAD sa tulong ng Philippine Consulate General in Milan o PCG Milan. 

Sa nasabing talakayan ay dumalo ang iba’t ibang grupo ng mga pinoy hindi lamang mula sa Milan kundi mula rin sa ibang lugar ng North of Italy na sumusuporta laban sa ipinagbabawal na droga. 

At dahil sa talamak na ang mga gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga, mapa bata man o matanda ay nababahala na ang filcom sa Milan at North of Italy. 

Sa kasalukuyan, mahigit sa 20 Pilipino (78% ang mga kalalakihan at 32% mga kababaihan) ang nakakulong sa Northern Italy dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ipinagbabawal na droga partikular na ang paggamit at pagtutulak ng Metampethamine Hydrochloride o mas kilalang ‘shabu’ base sa datos ng Philippines Consulate General in Milan. 

Ayon kay Lapeña all out support ang PDEA sa layunin ng grupong AGAD, kung kayat sila ay nagpadala ng mga training materials na gagamitin ng grupo upang gawing reference para sa mga seminars sa filipino community sa darating na panahon. 

Maliban dito ay tatalakayin din nila ang batas ng Italy hinggil sa ipinagbabawal na droga sa pamamagitan ng italian drug enforcement authorities. 

Subalit ang AGAD Information and Advocacy Group na isa sa tatlong cluster groups ay sasailalim muna sa isang trainors training kung saan tuturuan sila ng mga eksperto ng anti-crime authorities ng Italy at ng Pilipinas partikular sa pagtalakay ng drug prevention program upang ihanda ang nasabing cluster group na magsagawa ng malawakang drug prevention seminars sa filcom sa iba’t-ibang bahagi ng Milan at North of Italy. 

Sa pamamagitan nito, ay ipaparating sa buong kumunidad ang impormasyon tungkol sa mga ill effects ng mga ipinagbabawal na droga. 

Sa maikling talumpati ni PDEA Director General Lapeña ay sinabi niya na sa una ay patitikimin ka ng libre sa pagbatak ng shabu hanggang sa mapipilitan kang bumili nito. 

Ang african drug syndicate umano ang siyang nag-ooperate dito sa europa ayon sa Director General. 

Sila ang may kinalaman diumano sa pagpasok ng droga dito sa Italy at nag rerecruit ng mga drug couriers para ikalat ang mga bawal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansang Italy. 

Maliban dito ipinaalam ng director sa filipino community ang sitwasyon ng Pilipinas hinggil sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga, at ang mga grupo na may kinalaman sa pagpasok ng droga sa iba’t ibang bansa sa Europa. 

Dumalo din si Dr. Cristiano Vicenzo at nagbigay din siya ng mga impormasyon hinggil sa batas ng Italya na may kinalaman sa mga nasasangkot sa ipinagbabawal na droga. 

Samantala, napag-alaman din na may mga grupo ng pinoy mula sa katimugang bahagi ng bansang Italya ang gustong sumapi sa Action Group Against Drugs. Gusto na din nilang ikalat sa kanilang mga nasasakupang lugar ang mga masamang dulot ng ipinagbabawal na droga at kung papaanong iwasan ito. 

Kung kaya’t maaaring sa ikalawang bahagi ng taon 2017 ay pormal ng magoorganisa ng drug prevention seminar para filcom sa Milan at North of Italy. 

Maliban sa AGAD-Milan ay nananawagan din ang Philippine Consulate General in Milan sa buong sambayanan Pilipino sa Italy na makiisa sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga. 

ni Chet de Castro Valencia

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma sa Italian Citizenship, sinimulan ang diskusyon sa Senado!

DOLE Secretary, muling dinalaw ang Filcom leaders sa Milan