in

Benevento, kung saan pinakamababa ang sahod ng mga colf at caregivers

Umaabot lamang ng 550 euros kada buwan ang average salary ng mga colf at caregivers sa Benevento. Magkano nga ba talaga ang sahod ng mga colf?

 

 
Hunyo 20, 2017 – Ang domestic job sa Italia, sa paglipas ng mga taon, ay maituturing nang isa sa mga pangunahing trabaho sa bansa: pabilis ng pabilis ang takbo ng panahon at tila mahirap, kung hindi man imposible, ang pagbibigay ng sapat na panahon para sa sariling bahay, anak at elderly ng mga pamilya. Sa dahilang ito, parami ng parami ang mga domestic workers na nagta-trabaho sa loob ng tahanan ng mga Italians na karaniwang mga dayuhan. Ngunit magkano ba talaga ang sahod ng mga colf?
 
Sa Benevento, sa rehiyon ng Campania ay matatagpuan ang pinakamababang sahod ang mga colf. Umaabot lamang ng 550 euros kada buwan ang average salary ng mga colf doon. Kalahati lamang kung tutuusin ng sahod ng mga colf sa North: sa Bologna halimbawa ang average salary ng mga colf ay 1000 euros.
 
Ito ay inanunsyo noong lunes sa pagdiriwang ng “World Day for Decent Work” (o Giornata internazionale del lavoro dignitoso) ni Rocco Lauria, ang direktor ng Sostegno alla non autosufficienza, invalidità civile at ibang serbisyo ng Inps sa isang pagtitipon ng Acli Colf at Caritas Internationalis sa Roma.

Bukod sa malaking pagkakaiba sa sahod ng mga colf sa North at South Italy, sa nasabing pagtitipon ay lumabas din ang malaking bahagi ng lavoro nero o 33.9% sa sektor ng caregiving sa pamamagitan ng isang pagsasaliksik “Viaggio nel lavoro di cura”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DOLE Secretary, muling dinalaw ang Filcom leaders sa Milan

Bagong kontribusyon, sinu-sino ang hindi magbabayad nito?